179
Magbangon, mga Banal, at ang Templo ay Tunguhin
May layunin
1. Magbangon, mga Banal,
at Ang templo ay tunguhin.
Ibuklod nang walang hanggan
Ang mga mahal sa’tin.
2. Ang plano ng kaligtasan
At ang utos N’ya’y sundin.
Pagsikapan na makamtan,
Biyaya ng Diyos sa’tin.
3. Elohim, kami’y gawaran
Ng kapangyarihan N’yo.
Habang nasa Inyong templo,
Paglilingkuran Kayo.
Titik: Jean L. Kaberry, b. 1918. © 1985 IRI
Himig: Robert P. Manookin, 1918–1997. © 1985 IRI