1. Kay tahimik ng paligid!
Sa gabing marikit,
May tanging sanggol na ’sinilang
Ng isang birhen sa sabsaban,
Payapang natutulog.
Payapang natutulog.
2. Kay tahimik ng paligid!
Manghang nagmamasid,
Mga pastol, galing sa bukid,
Sa mga anghel, umaawit:
Si Cristo’y isinilang!
Si Cristo’y isinilang!
3. Kay tahimik ng paligid!
Ang badya’y pag-ibig
Ng sanggol na galing sa langit.
Kaligtasan natin ang hatid
Sa pagsilang ni Cristo;
Sa pagsilang ni Cristo.
Titik: Joseph Mohr, 1792–1848; isinalin ni John F. Young, 1820–1885
Himig: Franz Gruber, 1787–1863