98
Awit sa Paglisan
Mapitagan
1. Awit sa paglisan,
Himig pagsamba,
Himig na papuri
Sa ’ting Diyos Ama.
Sa wagas N’yang tulong,
At pagmamahal,
S’ya’y pasalamatan
Sa tuwing Sabbath.
2. Purihin ang awa
At pag-ibig N’ya,
Sa mga biyaya
Na handog t’wina.
May galak na tinig
Ay iparinig.
S’ya ang aalayan
Ng ating himig.
3. Jesus, Manunubos,
Papuri’y dinggin,
At nawa’y pakinggan
Aming dalangin:
Sa mali’y iadya,
Patnubayan N’yo;
Nang sa araw-araw,
Maglingkod sa ’Nyo.
Titik: George Manwaring, 1854–1889
Himig: Ebenezer Beesley, 1840–1906