1Turuang lumakad sa liwanag
At malangin sa’king Diyos Ama;
Turuang tama ay matutunan,
Sa’king buhay, ako’y turuan
2Aking anak, halina’t mag- aral
Ng mga kautusan N’yang banal
Nang S’ya’y makapiling nating muli
Sa liwanag, mananatili.
3Salamat po, O Ama sa langit,
Sa Inyong patnubay at pag- ibig.
Papuri sa Inyo’y aawitin!
Liwanag N’yo’y aming susundin.