1. Pastulan ko ay alay ng Diyos
Ang pangangailangan ko ay tustos.
Bilang pastol, aruga’y lubos
Maingat N’yang pagtanod sa ’ki’y puspos.
Sa araw ma’t gabi na kay lalim,
Sa paglakbay ko, S’ya’y kaagapay lagi.
2. Sa init ng sikat ng araw,
Kung madama ay matinding uhaw,
Sa malago’t luntiang bukid,
Mga hakbang ko’y Kanyang ihahatid,
Dito kung sa’n sa buong paligid
Ang daloy ng batis, sadyang walang patid.