Musika
Espiritu ng Diyos


2

Espiritu ng Diyos

May pagdiriwang

1. Espiritu ng Diyos Ama ay nagaalab,

Ang kal’walhatian ngayon ay nagsisimula.

Mga pangitai’t biyaya’y nagbabalik

At ang mga anghel sa lupa ay bumababa.

[Chorus]

Tayo’y aawit, sisigaw sampu ng hukbo ng langit,

“Hosana sa Kordero’t ating Ama!”

Luwalhati sa kaitaasan sa kanila’y ibibigay

Ngayon at magpakailanman, Amen at amen!

2. Ating pangunawa’y pinalalawak ng Diyos,

Lahat ay pinanunumbalik tulad ng dati.

Lumalaganap ang dunong at lakas ng Diyos,

Ang tabing sa mundo’y nahahawing untiunti.

[Chorus]

Tayo’y aawit, sisigaw sampu ng hukbo ng langit,

“Hosana sa Kordero’t ating Ama!”

Luwalhati sa kaitaasan sa kanila’y ibibigay

Ngayon at magpakailanman, Amen at amen!

3. Pulong na taimtim ay ating idaraos

Upang kaharia’y maipahayag sa mundo.

Nang sa pananalig ating maangking lubos,

Mga pangitain at biyaya buhat sa Diyos.

[Chorus]

Tayo’y aawit, sisigaw sampu ng hukbo ng langit,

“Hosana sa Kordero’t ating Ama!”

Luwalhati sa kaitaasan sa kanila’y ibibigay

Ngayon at magpakailanman, Amen at amen!

4. Pinagpalang araw kung ang tupa at leon

Ay magiging magkapiling nang walang alitan,

At pagpapalain si Ephraim sa Sion

Sa pagdating ni Cristo buhat sa kalangitan.

[Chorus]

Tayo’y aawit, sisigaw sampu ng hukbo ng langit,

“Hosana sa Kordero’t ating Ama!”

Luwalhati sa kaitaasan sa kanila’y ibibigay

Ngayon at magpakailanman, Amen at amen!

Titik: William W. Phelps, 1792–1872. Inawit sa pagtatalaga ng Templo ng Kirtland noong 1836.

Himig: Di-kil., mga 1844

Doktrina at mga Tipan 109:79–80

Doktrina at mga Tipan 110