1. May luntiang burol doon
Sa bayang kaylayo,
Kung sa’n ating Panginoon,
Sa krus ipinako.
2. Hindi natin matatanto,
Kanyang pagdurusa,
Ngunit tiwalang hanap N’ya’y
Ating kaligtasan.
3. Walang makababayad ng
Ating kasalanan;
S’ya lang ang may kakayahang
Kalangita’y buksan.
4. Inibig N’ya tayong lubos,
At S’ya’y ibigin din;
Sa pagtubos N’ya’y manalig,
Gawain N’ya’y sundin.
Titik: Cecil Frances Alexander, 1818–1895
Himig: John H. Gower, 1855–1922