11
Katotohanan ng Diyos
May dangal
1. Katotohanan ng Diyos,
Magliwanag kang lubos!
Kadilima’y pawiin
Sa puso’t isip namin.
2. Pagsilang ng propeta
Naipanumbalik ka.
Saserdote’ng may tangan,
Susing katotohanan.
3. At tulad ng liwanag,
Tagumpay, may banaag.
At ang katotohanan,
May ning-ning walang hanggan.
Titik: Parley P. Pratt, 1807–1857
Himig: Alexander Schreiner, 1901–1987