181
Mga Puso N’yo’y Ibaling
Maningning
1. Mga puso n’yo’y ibaling,
Ang wika ni Malakias,
Mga puso n’yo’y Ihanda
Sa gawaing pag dakila
Sa yumao at buhay.
2. Si Elias sa huling araw,
Ang plano’y ibabalik.
Ituturo ang pangako
Na magbubuklod sa puso
Ng lahat sa daigdig.
3. Mga puso n’yo’y ibaling
Sa mga magulang n’yo.
Magsaliksik at hanapin,
At sa templo’y pagsamahin
Kailanman sa puso n’yo.
4. Mga puso n’yo’y ibaling
Sa inyong mga anak.
Mabubuting gawain n’yo
At ang paglingkod sa templo,
Sa kan’la’y magbabasbas.
Titik: Paul L. Anderson, p. 1946. © 1983 Paul L. Anderson and Lynn R. Carson
Himig: Gaylen Hatton, p. 1928. © 1985 IRI
Ang himnong ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.