Musika
Mga Tagapagtanggol ng Sion, Bangon!


150

Mga Tagapagtanggol ng Sion, Bangon!

May tapang

1. Mga tagapagtanggol ng Sion,

Bangon! Masdan ang kalaban

Na kaylapit sa inyong tahanan;

Kailangang maging matapang.

H’wag n’yong kalimutan ang Missouri;

Isaisip ang tapang ng Nauvoo.

Pagsalakay ng mga kaaway,

Manalig, magtiwala kayo.

Manalig, magtiwala kayo;

Manalig, magtiwala kayo.

Pagsalakay ng mga kaaway,

Manalig, magtiwala kayo.

2. Ang Sion ay napalilibutan

Ng kapangyarihan ng Diyos;

Mga mandirigma n’ya’y kaytapang,

Pananalig nila’y lubos.

Bawat kawal, may pusong matapang

Kahit kakaunti lamang tayo,

Hanggang maitaboy ang kalaban,

Manalig, magtiwala tayo.

Manalig, magtiwala tayo;

Manalig, magtiwala tayo.

Hanggang maitaboy ang kalaban,

Manalig, magtiwala tayo.

3. Kahit na ang kalaba’y sumulong,

Kasama’ng kampon ng dilim,

Kung anghel ang sa ati’y tutulong,

Sila’y ating gagapiin.

At ang kaharian ay lalaya,

At mamamangha ang buong mundo

Sa Sion na lipos ng l’walhati,

Kung kaya’t magtiwala tayo.

Manalig, magtiwala tayo;

Manalig, magtiwala tayo.

Sa Sion na lipos ng l’walhati.

Manalig, magtiwala tayo.

Titik: Charles W. Penrose, 1832–1925, bin.

Himig: Ipi. na kay Thomas E. Williams, n. 1854

Mga Taga-Efeso 6:10–18

2 Nephi 28:20–28