Paggamit sa Imnaryo
Ang sumusunod na materyal ay nilalayong makatulong sa inyo na magamit nang mahusay ang imnaryo. Kabilang ay mga paliwanag tungkol sa mga elemento ng imnaryo; mga pagtatalakay sa paggamit sa mga himno para sa mga kongregasyon, mga koro, at mga natatanging pangkat, at impormasyon para sa mga baguhang direktor ng musika, organista, at piyanista.
Mga Elemento ng Imnaryo
Mga Nilalaman
Hinahati ng talaan ng nilalaman ang mga himno sa labing-isang pangkalahatang kategorya. Ang mga himnong magkakatulad ang paksa at modo ay kadalasang makikita sa parehong bahagi. Gayunpaman, ang pagkakalista sa isang kategorya ay hindi dapat maging limitasyon sa paggamit ng anumang himno. Halimbawa, ang ilang himno sa bahaging pang-sakramento, gaya ng “Dakilang Karunungan at Pag-ibig” at “Ako ay Namangha,” ay maaaring gamitin sa ibang gamit, at ang ilang piniling mga berso ng ilang himno sa bahaging ito ay maaaring magamit para sa Pasko ng Pagkabuhay. Ang indise ng mga paksa ang tutulong sa inyo sa paghahanap ng mga himno para sa mga partikular na paksa.
Mga Tanda ng Modo at Bilis
Ang mga tanda ng modo, gaya ng May pananalangin or May tatag, ay nagmumungkahi ng pangkalahatang damdamin o diwa ng isang himno, bagama’t ang modo ng ilang himno ay maaaring mag-iba alinsunod sa okasyon o lokal na hilig. Ang mga tandang metronomo [metronomic markings] ay nagpapakita ng isang agwat ng bilis [tempo range] (gaya ng
Mga Panimulang Panaklong para sa mga Piyanista at Organista
Ang mga panaklong (
Maaari ninyo ring naisin na paikliin o pahabain ang iminungkahing panimula. Kung ang himno ay hindi pamilyar, ang pagtugtog nito nang buo bilang isang panimula ay makatutulong sa kongregasyon na masanay rito. Kung alam ng karamihan ang himno, ang huling linya o bahagi nito ay maaaring sapat nang panimula. Kapag gagamit ng maikling panimula, maaaring naisin mong dahan-dahanin ang bilis sa dulo upang magpahiwatig ng damdamin ng pagkakatapos.
Mga Sangguniang Banal na Kasulatan
Sa sinaunang tradisyong Kristiyano, karamihan sa mga himno ay mga pagsasahimig ng mga iniangkop na teksto ng banal na kasulatan. Karamihan sa ating kasalukuyang mga himno ay maiuugnay sa ilang mga banal na kasulatan; ilan sa maraming posibilidad ay nakalista sa dulo ng bawat himno. Sa paggamit ng Pamatnubay na Paksa [Topical Guide] at Indise na makikita sa edisyon ng banal na kasulatan ng mga Banal sa mga Huling Araw, makahahanap kayo ng marami pang mga talata ng banal na kasulatan na magpapayaman sa mga mensahe ng ating mga himno.
Mga Indise
Ang imnaryo ay naglalaman ng tatlong indise na may maikling talang nagpapaliwanag para sa bawat isa: Authors and Composers; Titles, Tunes, and Meters; Tune Names; Meters; mga Banal na Kasulatan; mga Paksa; at mga Unang Linya at mga Pamagat.
Mga Himno para sa mga Kongregasyon
Sabayan at Bahaginang Pag-awit
Bagamat may malakas na tradisyon ang bahaginang pag-awit (soprano, alto, tenor, and bass) sa Simbahan, ang layunin sa pag-awit sa kongregasyon ay ang makasali ang lahat, anuman ang kakayahan ng kanilang boses. Sapagkat inaawit ng maraming miyembro ang melodiya anuman ang kanilang boses, ang mga himno ay nasa tonong naibabagay kapwa sa sabayan at bahaginang pag-awit. Ang ilang himno—at mga bahagi ng himno—ay partikular na naisulat para sa sabayang pag-awit.
Pagpili ng Tamang Himno
Ang mga himnong pipiliin ninyo ay dapat magpakita ng pagkalahatang katangian ng pagpupulong at dapat tumulong na magpanatili ng karapat-dapat na espiritu.
Ang pambungad na himno ay maaaring isang pagsusumamo o papuri; maaari itong magpahiwatig ng pasasalamat para sa ebanghelyo, ligaya sa pagkakataong makapagtipon, o sigasig para sa gawing nakalaan.
Ang himnong pang-sakramento ay dapat tumukoy sa sakramento mismo o sa sakripisyo ng Tagapagligtas.
Ang isang panggitnang himno ay nagbibigay ng pagkakataon para sa pagsali ng kongregasyon at maaaring may kaugnayan sa paksa ng mga tagapagsalita sa pagpupulong. Maaaring tumayo ang kongregasyon sa pag-awit ng himnong ito kung nababagay.
Ang pangwakas na himno ay isang pagkakataon para sa kongregasyon na tumugon sa diwa at nilalaman ng pagpupulong.
Hindi lahat ng himno ay angkop para sa lahat ng okasyong may kaugnayan sa Simbahan. Ang ilang himno ay maaaring mas angkop para sa isang pagtitipon ng mga kabataan kaysa sa isang pulong sakramento.
Pagpili ng mga Aawiting Himno
Hindi kayo dapat mapilitang awitin ang lahat ng mga berso ng isang himno maliban na lamang kung ang mensahe nito ay magiging kulang kung hindi aawiting lahat. Gayunpaman, huwag panayin ang pagpapaikli ng isang himno sa pamamagitan ng pag-awit lamang ng una o dalawang unang berso. Hinihimok ang pag-awit ng mga bersong nakasulat sa ilalim ng himig.
Pagtamo ng Balanse sa Pagpili ng mga Himno
Bilang karagdagan sa paggamit ng mga himnong kilala na at minamahal, ang mga miyembro ay hinihimok na maging pamilyar sa mga bago o hindi gaanong pamilyar na mga himno. Subukang magkamit ng magandang balanse sa mga kilalang paborito at mga di-gaanong kilalang himno.
Mga Himno para sa Kumperensiya ng Istaka
Ang mga pamantayan, at kilalang-kilalang himno ang madalas na pinakamaganda para sa kumperensiya sa istaka, laluna’t kung hindi magkakasya ang mga imnaryo para sa buong kongregasyon. Narito ang ilan sa gayong mga himno: “Mga Banal, Halina”; “Halina, Hari ng Lahat”; “O, mga Anak ng Diyos”; “Mga Pagpapala ay Bilangin”; “Gawin ang Tama”; “Gabayan Kami, O Jehova”; “Sa Tuktok ng Bundok”; “Saligang Kaytibay”; “Ako ay Anak ng Diyos”; “Buhay ang Aking Manunubos”; “Magpatuloy Tayo”; “Tayo’y Magalak”; “Purihin ang Propeta”; “Lakas Mo ay Idagdag”; “Manunubos ng Israel”; “O Kaylugod na Gawain”; “Espiritu ng Diyos”; “Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta.”
Maaari ninyong kopyahin ang mga himno sa isang naisulat na programa maliban kung ang mga pagbabawal ng karapatang-sipi sa himno ay nagsasaad na hindi ito pinahihintulutan.
National Anthems
A few patriotic songs have been included in the hymnbook; with priesthood approval, local national anthems may be added. Members may stand for national anthems in church meetings according to local custom and priesthood direction.
Mga Himno para sa Koro at Natatanging mga Pangkat
Paggamit ng mga Himno para sa Koro
Sa edisyong ito ng imnaryo walang ginawang pagkakaiba sa koro at mga himnong pangkongregasyon. Dapat gamitin ng mga koro ang imnaryo bilang kanilang pangunahing pagkukunan, pumipili mula sa buong aklat. Maaari ding umawit ang mga koro ng iba pang angkop na mga awit at mga inayos na himno na hindi kabilang sa imnaryo.
Ilan sa mga himnong may tatak na “Koro” sa mga naunang edisyon ng imnaryo ay binabaan na ang tono para sa higit pang gamit sa kongregasyon. Maaaring naisin ng mga koro na magtago ng kopya ng mga lumang edisyon ng imnaryo upang samantalahin ang mas matataas na tono at ang posibilidad ng pag-iba-iba ng tono mula sa isa patungo sa iba. Kung iisa lamang ang kopya ng lumang edisyon, maaaring kopyahin ang isang himno at gamitin sa ganitong paraan, maliban kung ipinagbabawal ito ng tanda ng karapatang-sipi.
Pagbabago ng mga Himno para sa Pagtatanghal ng Koro
Ang mga himno mula sa imnaryo, na inawit nang walang kaibhan, ay laging angkop bilang mga pili ng koro. Maaari n’yo ring ibahin ang inyong pagtatanghal ng mga himno; gayunpaman, gamitin ang mga gayong pagbabago nang madalang, sinisigurong ang mga ito ay sang-ayon sa diwa ng himno. Narito ang ilang mga pagbabago sa himno na maaari ninyong pag-isipan:
-
Hayaang umawit ang kalalakihan, ang kababaihan, o pareho ng isang berso nang sabayan.
-
Pasabayin sa koro ang kongregasyon sa huling berso o koro ng isang himno. (Isang paraan ito para matulungan ang kongregasyon na maging mas pamilyar sa ilang mga himno.)
-
Ipaawit sa kababaihan ang isang berso, gaya ng nakabalangkas sa ibaba sa ilalim ng “Mga Himno para sa Boses ng Kababaihan.”
-
Ipaawit sa kalalakihan ang isang berso, gaya ng nakabalangkas sa ibaba sa ilalim ng “Mga Himno para sa Boses ng Kalalakihan.”
-
Paawitin ng dueto ang mga soprano at tenor para sa isang berso.
-
Ipaawit sa mga tenor at bass ang melodiya habang inaawit ng mga soprano at alto ang bahagi para sa alto.
-
Ipaawit sa isang bahagi ng koro ang melodiya habang ang iba sa koro ay ihuhuni ang kanilang bahagi.
Mga Himno para sa Boses ng Kababaihan
Sa bahagi ng aklat para sa kababaihan ay mga himno para sa kongregasyon ng kababaihan at mga himno na inayos para sa mga koro at trio ng kababaihan. Bilang karagdagan, maaawit ng mga kapatid na babae nang walang pagbabago ang karamihan sa ilang mgahimno sa aklat sa dalawang bahagi (soprano at alto) o sa tatlong bahagi (kung ang bahagi ng tenor ay di-gaanong mababa).
Mga Himno para sa Boses ng Kalalakihan
Ang mga himno sa bahagi ng aklat para sa kalalakihan ay nahahati sa dalawang kategorya: Kalalakihan, para sa kongregasyon ng kalalakihan, at Koro ng Kalalakihan, para sa mga koro at apatan. Para sa himnong pangkongregasyon sa pulong ng pagkasaserdote, karaniwang kanais-nais na pumili mula sa mga pamantayang himnong pangkongregasyon o mula a may markang Kalalakihan.
Ang ilang himno ay partikular na inayos para sa mga koro ng kalalakihan; bilang karagdagan, maraming himno para sa kongregasyon at mga yaong may markang Kalalakihan ang maaaring ibagay para sa gamit ng mga koro at apatan ng kalalakihan:
Ang pangunahing suliranin sa pagbabagay ng mga himno para sa isang koro ng kalalakihan ay ang paghahanap ng mga tenor na kaya ng alto; ang ilan sa matataas na nota ay maaaring kailanganing ibagay. Maaari din ninyong ibaba ang tono ng himno, at ibagay na lamang ang bahagi ng bass.
Bilang halimbawa ng isang pagbabagay sa imnaryo, ihambing ang “Mga Banal, Halina” (blg. 23), isang ayos pangkongregasyon, sa “Halina, mga Banal” (blg. 23), ang parehong himig na ibinagay para sa boses ng kalalakihan.
Isa pang posibilidad sa pagbabagay ng isang himno para sa koro ng kalalakihan ay ang pag-awit sa bahagi ng alto nang mas mababa sa melodiya. Kapag ginagawa ito, opsiyonal na ang bass.
Mapapansin ninyo na sa mga himnong inayos para sa mga koro ng kalalakihan, ang sulpaduhang tenor ang ginamit imbes na ang karaniwang sulpaduhang trebel. Karaniwang dapat tugtugin ang mga notang pangkanang-kamay ng mga himnong ito nang isang oktabo ang baba kaysa sa sulpaduhang trebel. Ang resulta ay isang buo, mahusay na saliw para sa boses ng kalalakihan.
Para sa mga Baguhang Tagapangasiwa ng Musika
Mga Sukat, Tanda ng Kumpas, at Pababang Kumpas
Ang sukat ang pinakamaliit na bahaging pang-musika na pinaliligiran ng mga patayong linya:
Sa imnaryo, kapag ang isang sukat ay itinuloy mula sa isang linya hanggang sa kasunod, ang dulo ng unang linya ay iniiwang bukas upang ipakita na ang sukat ay magpapatuloy sa susunod na linya:
Ang tanda ng kumpas [time signature] (dalawnag numero, isa sa ibabaw ng isa pa, gaya ng 2/4) ay makikita sa umpisa ng bawat himno. Ang numero sa itaas ay nagpapakita ng bilang ng kumpas o pulso sa bawat sukat. Ang numero sa ilalim ang nagsasabi kung anong klase ng nota ang makakukuha ng isang kumpas o pulso. Halimbawa, ang 3/4 na tanda ng kumpas ay nangangahulugang may tatlong kumpas bawat sukat sa himno, at isang sangkapat na nota (
Habang pinangangasiwaan ninyo ang himig, ang unang kumpas ng inyong pamantayan ng kumpas [beat pattern] (tingnan ang mga ilustrasyon ng pamantayan ng kumpas) ay dapat tatama sa unang kumpas ng bawat sukat. Ang unang kumpas na ito, na tinatawag na pababang kumpas [downbeat], ang pinakamalakas na kumpas sa bawat sukat. M apapansin ninyo na maraming himno ang nagsisimula sa pataas na kumpas, o notang pangkuha [pickup note], bago ang unang pababang kumpas.
Mga Karaniwang Pamantayan ng Kumpas
Ang layunin ng mga pamantayan ng kumpas ay para manatili ang kongregasyon na magkakasabay sa ritmo at para maiparating ang modo at espiritu ng himno. Dapat panatilihing simple ang mga pamantayan [patterns], ngunit maaaring mag-iba depende sa katangian at modo ng himno. Ang mga tuldok sa mga pamantayan ng kumpas ang nagpapakita kung saan nagkakaroon ng mga pulsong pangritmo sa himno.
Ang pamantayang dalawahang-kumpas (ginagamit sa mga himnong may tandang 2/2 o 2/4):
Ang pamantayang tatluhang-kumpas (ginagamit sa mga himnong may tandang 3/4 o 3/2):
Ang pamantayang apatang-kumpas (ginagamit sa mga himnong may tandang 4/4):
Ang pamantayang animang-kumpas (ginagamit sa mga himnong may tandang 6/8 o 6/4):
Ang 6/8 o 6/4 na himnong may mahinay na bilis, gaya ng “Kay Tahimik ng Paligid” (blg. 125), ay maaaring ikumpas na gamit ang tradisyonal na pamantayang animang-kumpas o ang dobleng pamantayang tatluhang-kumpas—isa munang malaking kumpas, na sinusundan ng mas maliit na kumpas:
Ang 6/8 o 6/4 na himnong may katamtamang bilis, gaya ng “Na sa Puso ng Pastol” (blg. 134), ay maaaring kumpasan sa pamamagitan ng pag-alis ng ikalawa at ikalimang kumpas ng tradisyunal na pamantayang animang-kumpas, at pagtigil pansamantala sa mga puntong iyon ng pamantayan:
Ang 6/8 o 6/4 na himnong may matuling bilis, gaya ng “Guro, Bagyo’y Nagngangalit” (blg. 60), ay maaaring kumpasan ng pamantayang dalawahang-kumpas—ang unang tatlong kumpas ay sasama sa unang kampay, at ang huling tatlong kumpas ay sasama sa ikalawang kampay:
Kapag gagamitin ang dalawang huling pamantayan ng kumpas, siguruhing mapanatiling pantay ang ritmo o mga pulso ng himno.
Ilang Himnong Madaling Kumpasan:
Sa dalawahang-kumpas: “Come, Rejoice”; “Come, Thou Glorious Day of Promise”; “Diyos ang Gabay”; at “Kayong mga Tinawag na Maglingkod.”
Ang tatluhang-kumpas: “Magsisunod Kayo sa Akin”; “Gawin ang Tama”; “L’walhati sa Ating Diyos”; “Ama Namin, Kami’y Dinggin”; “Turuang Lumakad sa LIwanag.”
Sa apatang-kumpas: “Manatili sa Piling Ko”; “Habang Aking Binabasa”; “O Mga Anak ng Diyos”; “Ikaw Ba ay Nanalangin?”; “Para sa Angking Kariktan ng Mundo”; “O Makinig, Lahat ng Bansa!”; “Pag-asa ng Israel”; “We Will Sing of Zion.”
Para sa mga Baguhang Organista at Piyanista
Pagbabagay ng mga Saliw sa Himno
Ang ilang himno ay maaaring may mga nota o sipi na mahirap tugtugin. Malayo kayong ibagay ang mga gayong sipi sa sarili ninyong kakayahan sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga di-gaanong-mahahalagang nota mula sa mga sayusay. Maaaring naisin ninyong markahan ang sarili ninyong imnaryo sa ganitong paraan.
Ang mga himno ay madalas may puwang sa pagitan ng mga nota ng tenor at bass na masyadong malayo para maabot ng kaliwang kamay. Madalas kaya na ng kanang kamay na isama ang nota ng tenor. Maaari ninyong markahan ng panaklong ang mga gayong nota para ipaalala sa inyo na tugtugin ang mga ito sa inyong kanang kamay:
Ilan sa mga himno at awit pambata ay isinulat na piyano ang iniisip. Kung ang organo ay gagamitin sa mga awiting ito, kanais-nais kung minsan na gamitin lamang ang mga teklado, nang walang pedal.
Mga Notang Panghudyat
Ang notang panghudyat, o maliit na nota, ay nangangahulugan na ang notang ito ay opsiyonal. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa kung paano maaaring gamitin ang mga notang panghudyat:
-
Ang notang panghudyat ay maaaring palatandaan na ang nota ay dapat tugtugin at awitin sa ilang berso at hindi sa iba, depende sa titik ng bawat berso:
-
Kung minsan ang himig ay kumpleto na kahit hindi na tugtugin ang notang panghudyat:
-
Maaari ding ipahiwatig ng mga notang panghudyat ang himig na dapat tugtugin ng piyanista o organista, ngunit hindi dapat awitin:
Ilang Himnong Madaling Tugtugin:
“Magsisunod Kayo sa Akin”; “Gawin ang Tama”; “Patnubayan Ka Nawa ng Diyos”; “Banayad ang Utos ng Diyos”; “Ako ay Namangha”; “Mga Kautusan sa Tuwina ay Sundin”; “Banal na Espiritu”; “Tayo’y Magalak”; “Manunubos ng Israel”; “O Kaylugod na Gawain”; “Sintang Oras ng Dalangin”; “Turuang Lumakad sa Liwanag”; “Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta.”