142 Pasulong Tayo sa Luwalhati May lakas 1. Pasulong tayo sa l’walhati Nang korona’y makamtan. Ang panangga ay pag-ingatan, H’wag bitiwan magpakailanman. [Chorus] Sulong sa ating paglakad, Tungo’y malayong lupain. Buhay na walang hangganan Ang gabay at layunin. 2. Araw-araw sa ’ting pagsulong, Tungo ay kalangitan. Mabuting gawa’y maglalapit Kung saan korona’y kakamtan. [Chorus] Sulong sa ating paglakad, Tungo’y malayong lupain. Buhay na walang hangganan Ang gabay at layunin. 3. Mga tinubos ang kapiling Tungo sa kaharian, Sa Panginoo’y magpupuri, Lakas N’ya’t awa’y makakamtan. [Chorus] Sulong sa ating paglakad, Tungo’y malayong lupain. Buhay na walang hangganan Ang gabay at layunin. Titik at himig: John M. Chamberlain, 1844–1930 Doktrina at mga Tipan 27:15–18 I Kay Timoteo 6:12