17
Para sa Inyo Kami’y Nagdarasal
Mataimtim
1. Para sa ’Nyo kami’y nagdarasal,
O propeta naming minamahal,
Na mabigyang ligaya at ginhawa,
Habang mga tao’y lumilipas
Liwanag N’yo sana’y ’di kukupas.
2. Para sa ’Nyo kami’y nagdarasal,
Nang buong puso at pagmamahal,
Upang bigyang lakas sa ’Nyong gawain
Nang sa t’wina kami ay payuhan,
At tanglawan nawa aming daan.
3. Para sa ’Nyo kami’y nagdarasal,
At taimtim yaring pagmamahal.
Pakikinggan ng Diyos, aming dalangin
Inyong kailanga’y ibibigay,
Bibiyayaan N’ya habang buhay.
Titik at himig: Evan Stephens, 1854–1930