146
Bawat Handog Namin
May pasasalamat
1. Bawat handog namin,
Kahit anupaman,
Lahat sa Inyo nanggaling,
Kayo ang naglaan.
2. Mga biyaya N’yo
Tatanggapin namin.
At malugod na sa Inyo
Ay mag-aalay rin.
3. Ang magpaginhawa,
Maglunas, mag-alo,
Ang s’yang gawain ng anghel
Dito sa ’ming mundo.
4. Kami’y nananalig
Sa Inyong salita,
Ang gagawin sa ’ming kapwa,
Sa ’Nyo rin ginawa.
Titik: William Walsham How, 1823–1897
Himig: Di-kil., ina. ni Lowell Mason, 1792–1872, at George J. Webb, 1803–1887