72
Kung Mananalig Kailanman
Mahinahon
Hindi ako mangangamba,
Ang Diyos ay nar’yan sa t’wina
Kanyang lakas at pag-ibig,
Bunga’y panatag na dibdib.
Mananalangin sa Ama,
Laging magpapakumbaba.
Ang pangamba ay lilisan
Kung mananalig kailanman.
Titik: Naomi W. Randall, 1908–2001, © 1985 IRI
Himig: Stephen M. Jones, p. 1960, © 1985 IRI