103
Habang Ating Tinatanggap
Mataimtim
1. Habang ating tinatanggap
Ang kay Jesus na sagisag,
Ating isipi’t tiyakin,
Puso’t kamay, dalisay rin.
2. Dugo ni Cristo’y binuhos
Para sa atin do’n sa krus,
At napawi’ng kalungkutang
Tadhana ng sanlibutan.
3. Ang kay Cristong kamatayan
Ang bayad sa katarungan,
Nang tao’y ’di na alipin
Ng kamatayan, ng libing.
4. Ngunit muling mabubuhay,
Kailanma’y ’di mamamatay,
Walang hangganang lalagi,
Si Cristo ang maghahari.
Titik: John Nicholson, 1839–1909
Himig: Alexander Schreiner, 1901–1987. © 1948 IRI