1. Aba ang puso sa pagyuko,
Ang iisipin, O Diyos, ay Kayo.
Tinapay at tubig ay tatanggapin.
Tanda na wika N’yo’y gugunitain.
2. Nawa’y tulungang magunita
Na sa Kalbaryo, Kayo’y nagdusa.
Nang walang hanggang buhay, matanggap ko,
Matutong higit na maging tulad N’yo.
3. Upang Kayo ay matularan,
Tinatanaw ko ang kalangitan.
Nang aking matutunan ang paraan,
Kahalagahan ko’y mapatunayan.
4. Bawat araw ng aking buhay,
Gabay ng Espiritu’y ibigay.
Sa pagsisikap na puso’y mabago,
Tulungang higit na maging tulad N’yo.
Titik: Zara Sabin 1892–1980. © 1985 IRI
Himig: Thomas L. Durham, p. 1950. © 1985 IRI