Para sa Maliliit na Bata
Isang Regalo mula sa Ama sa Langit
Masaya si Isabelle na tagsibol na. Gusto niyang pakinggan ang mga ibon. Gusto niyang maglaro sa luntiang damuhan.
Masaya si Isabelle dahil Pasko na ng Pagkabuhay. Alam niyang espesyal na araw ang Paskua. Sa Paskua ay ipinagdiriwang natin ang pagkabuhay na muli ni Jesus.
Sa Primary, binigyan ni Sister Martin ng krayola ang lahat ng bata sa klase. Pinadrowing niya sa kanila ang pinakamagandang regalong ibinigay sa kanila ng Ama sa Langit.
Nagdrowing si Michael ng larawan ng kanyang pamilya.
Larawan naman ng kanyang kaibigan ang idinrowing ni Eliza.
Nagdrowing si Anthony ng larawan ng bahay nila.
Tiningnan ni Isabelle ang mga drowing. Magaganda lahat ito.
Inisip ni Isabelle kung ano ang idodrowing niya. Masaya siya na may pamilya siya. Masaya siya na may mga kaibigan siya. Masaya siya na may bahay siya.
Inisip ni Isabelle ang isa pang regalong ibinigay ng Ama sa Langit sa lahat ng tao. Ibinigay Niya sa lahat ang isang Tagapagligtas. Dinampot ni Isabelle ang kanyang mga krayola. Nagdrowing siya ng larawan ni Jesucristo.
Tinanong ni Sister Martin si Isabelle kung ano ang idinrowing niya.
“Nagdrowing po ako ng larawan ni Jesus,” sabi ni Isabelle. “Siya ang pinakamagandang regalo.”