2013
Ano ang layunin ng mga class at quorum presidency para sa kabataan?
Marso 2013


Ano ang layunin ng class at quorum presidency para sa kabataan?

young man in front of class

Ang mga class presidency sa Young Women at quorum presidency sa Aaronic Priesthood ay parehong nakakatulong sa mga naglilingkod dito at sa kanilang pinaglilingkuran.

Ang mga miyembro ng presidency ay makatatanggap ng inspirasyon para sa kanilang klase o korum, na makatutulong sa kanila na malaman kung paano ipagdasal at kaibiganin ang mga miyembro ng kanilang klase o korum, lalo na ang mga bago o di-gaanong aktibong miyembro. Sa presidency, natututuhan ng mga kabataan ang mga kasanayan sa pamumuno tulad ng pagtatakda ng gawain, paglilingkod, pakikipag-ugnayan, at pakikibahagi sa mga kapulungan. Ang pagkatutong mag-organisa at mamuno sa mga pulong at aktibidad ay nakatutulong sa mga lider ng kabataan na maghanda sa misyon o sa iba pa nilang magiging tungkulin habang natututuhan nila ang kahalagahan ng pagganap sa kanilang tungkulin at paggawa ng plano at pagsasakatuparan nito.

Ang mga miyembro ng klase at korum ay pinagpapala rin sa pamamagitan ng mga lider na ito. May nakakausap sila na mga kaedad nila na makatutulong at makahihikayat sa kanila na ipamuhay ang ebanghelyo at gumawa ng maraming bagay, lalo na sa pagkumpleto ng Pansariling Pag-unlad o Tungkulin sa Diyos. Dahil ang mga pangulo ng klase o korum ay naglilingkod sa bishopric youth committe, maipapaalam nila sa bishop ang kanilang mga problema, alalahanin, o mabubuting ginagawa sa kanilang klase at korum.

Ang matawag sa class o quorum presidency ay malaking responsibilidad na tumutulong sa kabataan na magkaroon ng mas malaking tiwala sa sarili, matutong mamuno at maging halimbawa, at magkaroon ng ibayong pagmamahal at pagkakaisa sa klase o korum.