Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary
Si Jesucristo ang Ating Tagapagligtas
Magagamit ninyo ang aralin at aktibidad na ito para matutuhan pa ang iba tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito.
Noong bata pa si Elder LeGrand R. Curtis Jr. ng Pitumpu, sila ng kanyang kapatid na babae ay naglalaro sa maliit na bangka sa ilog. Noong una ay masaya ang paglalaro nila, pero nang lumayo na sa pampang ang bangka, nakita nila na inaanod sila patungo sa mapanganib na bahagi ng ilog.
Humingi ng saklolo ang mga bata. Narinig sila ng kanilang ama at nagmamadaling pinuntahan ang bangka at sila’y sinagip. Iniligtas niya sila, isang bagay na hindi nila kayang gawin para sa kanilang sarili. Ginawa niya ito dahil mahal niya sila.
Kung minsan pumipili tayo ng mali at gumagawa ng mga espirituwal na bagay na naglalayo sa atin sa ating Ama sa Langit. Ipinadala ng ating Ama sa Langit ang Kanyang Anak, si Jesucristo, upang iligtas tayo. Nagdusa si Jesucristo para sa ating mga kasalanan para makapagsisi tayo at makabalik nang ligtas sa piling ng Ama sa Langit. Ginawa ng Tagapagligtas ang bagay na hindi natin magagawa para sa ating sarili. Handa Siyang gawin ito dahil mahal Niya tayo.