2013
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Marso 2013


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang ilang halimbawa.

“Ang Kapangyarihan ng Salita ng Diyos,” pahina 22: Isiping basahin sa inyong pamilya “Ang Kasagraduhan ng Salita,” isang bahagi sa artikulo, at talakayin kung paano magiging gabay na bakal sa atin ang mga banal na kasulatan. Anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na magbahagi ng karanasan kung saan nadama nila ang kapangyarihan ng mga banal na kasulatan. O, para sa maliliit na bata, magbahagi ng magandang kuwento mula sa banal na kasulatan. Isiping ibahagi ang hamon ni Elder Teh na pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw.

“Ano ang Mangyayari Kapag Namatay na Tayo?” pahina 44: Isiping talakayin ang mga tanong na nakalista sa artikulo at ang mga pagpapalang dulot ng kaalamang hindi sa kamatayan natatapos ang ating buhay. Maaari ninyong itanong kung paano nagagawang mahalaga ng kaalamang ito ang desisyong ginagawa ng bawat isa sa atin. Magtapos sa pagpapatotoo ninyo tungkol sa plano ng kaligtasan.

“Mga Tupa ni Megan,” pahina 62: Basahin ang kuwento tungkol kay Megan at sa kanyang mga tupa at talakayin kung bakit masaya si Megan sa katapusan ng kuwento. Maaari din ninyong basahin ang Mosias 2:17–18 at pag-usapan ang tungkol sa mga pagpapalang natatanggap natin sa paglilingkod. Isipin ang mga paraan na mapaglilingkuran ng pamilya ang isa’t isa at ang iba pa. Maaari ninyong tapusin ang lesson sa pagkanta ng awit tungkol sa paglilingkod, tulad ng, “Happy Helper” (Children’s Songbook, 197).

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.

Paglalarawan ni Cody Bell © IRI