2013
Paggunita sa Pasko ng Pagkabuhay
Marso 2013


Paggunita sa Pasko ng Pagkabuhay

Maaari mong gamitin itong countdown activity upang makapaghanda sa Pasko ng Pagkabuhay, na panahon para gunitain at ipagdiwang ang buhay ni Jesucristo, Kanyang Pagbabayad-sala, at Pagkabuhay na Mag-uli. Gupitin sa bahaging may marka ang larawan sa kaliwa para gawing puzzle. Isang linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay, pumili ng isang puzzle kada araw. Hanapin kung saan ito akma sa ibaba at gawin ang nakasulat sa paglalagyan bago idikit o iteyp dito ang piraso ng puzzle. Kapag nabuo mo na ang larawan, sumapit na ang Pasko ng Pagkabuhay!

Kantahin ang isang awitin ng Primary na tungkol kay Jesucristo. Paano mo matutularan ngayon ang Kanyang halimbawa?

Basahin ang Juan 3:16–17 kasama ang iyong magulang at pag-usapan ang ibig sabihin nito. Paano mo malalaman na mahal ka ng Ama sa Langit?

Nakikibahagi tayo ng sakramento bawat linggo para alalahanin si Jesucristo. Ano ang magagawa mo para maging lalong tahimik at mapitagan sa sacrament meeting sa Linggo?

Basahin ang isinulat ng mga buhay na Apostol tungkol kay Jesucristo: “Siya ang liwanag, ang buhay, at pag-asa ng mundo. Siya ang daan na naghahatid sa kaligayahan sa buhay na ito at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Liahona, Abr. 2000, 2–3).

Basahin ang kuwentong “Dahil Siya ay Buhay” sa pahina 65. Paano ka makapagbabahagi ng magandang mensahe tungkol sa Pasko ng Pagkabuhay sa iyong mga kaibigan?

Kantahin ang iyong paboritong awitin sa Pasko. Ano ang naaalala mo sa natutuhan mo tungkol sa pagsilang ni Jesucristo?

Magdrowing ng larawan ng paborito mong kuwento sa banal na kasulatan tungkol kay Jesus. Maaari kang magpatulong sa mga magulang mo para mapanood ang The Life of Jesus Christ Bible Videos sa biblevideos.lds.org at makakuha ng ilang ideya.

Paglalarawan ni Jim Madsen