2013
Mga Aral Tungkol sa Katatagan mula sa Pagkabata
Marso 2013


Mga Aral Tungkol sa Katatagan mula sa Pagkabata

—Lyle J. Burrup

Noong bata pa ako, maraming matatanda sa buhay ko—mga magulang, kapitbahay, guro, lider sa Simbahan—ang nagturo sa aming magkakapatid ng sumusunod na mga aral. Ang limang alituntuning ito ay maaaring makatulong sa inyong mga anak:

  1. Magsikap para sa mga pribilehiyo.

    Alam ko na maaari akong maglaro kasama ang aking mga kaibigan sa darating na mga araw kung uuwi ako sa bahay sa takdang oras.

  2. Ang batas ng pag-ani.

    Kung gusto ko ng pera, kailangang maghatid ako ng mga diyaryo sa mga bahay na nakatoka sa akin at mangolekta ng bayad bawat buwan.

  3. Personal na pananagutan at responsibilidad.

    Kailangang tapusin ko ang homework ko, mga proyekto para sa science fair, at merit badge.

  4. Ang batas ng pagsasauli.

    Humihingi ako ng paumanhin sa di-mabuting inasal ko at itinatama ang pagkakamali ko. Kung minsan iminumungkahi ng mga magulang ko na tapusin ko ang iba pang gawaing-bagay, tulad ng pagbubunot ng mga damo.

  5. Matuto sa mga pagkakamali.

    Kapag hindi ko naayos nang mabuti ang kama ko, hindi nahugasang mabuti ang mga pinggan, o hindi maayos na nabunot ang mga damo, kailangang ulitin ko at itama ang mga gawaing ito.