2013
Paghahalintulad: Kasal at Pamilya
Marso 2013


Paksang Pag-aaralan

Paghahalintulad: Kasal at Pamilya

Ang ilan sa pinakamahahalagang paksa ay hindi tinalakay ng isang tagapagsalita lamang sa pangkalahatang kumperensya. Narito ang sinabi ng apat na tagapagsalita tungkol sa kasal at pamilya. Subukang maghanap ng iba pang mga paghahalintulad kapag pinag-aralan ninyo ang mga mensahe sa kumperensya.

  • “Ang pagsasama ng isang lalaki at isang babae na legal na ikinasal ayon sa batas ay hindi lamang paghahanda sa darating na mga henerasyon para manahin ang lupa, kundi nagdudulot din ito ng napakalaking kagalakan at kasiyahang matatagpuan sa buhay na ito.”1—Elder L. Tom Perry ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • “Kailangan ng mga bata ang emosyonal at personal na lakas na nagmumula sa pagpapalaki ng dalawang magulang na nagkakaisa sa kanilang pagsasama at mga mithiin.”2—Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • “Ang pagtuturo ng kabaitan at paggalang ay nagsisimula sa ating tahanan. Hindi nakapagtataka na ang pagsama ng ugali ng tao ay dulot ng pagkakawatak-watak ng pamilya.”3—Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol

  • “Marami pa tayong gagawin upang mapatatag ang samahan ng mag-asawa sa mga lipunang nagbabale-wala sa kahalagahan at layunin nito.”4—Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol

Mga Tala

  1. L. Tom Perry, “Pagiging Butihing mga Magulang,” Liahona, Nob. 2012, 27.

  2. Dallin H. Oaks, “Protektahan ang mga Bata,” Liahona, Nob. 2012, 45.

  3. Quentin L. Cook, “Nadarama Ba Ninyo ang Gayon Ngayon?” Liahona, Nob. 2012, 7.

  4. D. Todd Christofferson “Mga Kapatid, May Gawain Tayong Isasagawa” Liahona, Nob. 2012, 49.