2013
Muling Inilaan ni Pangulong Monson ang Boise Temple
Marso 2013


Muling Inilaan ni Pangulong Monson ang Boise Temple

Noong Nobyembre 2012, muling inilaan ni Pangulong Thomas S. Monson ang Boise Idaho Temple—istrukturang orihinal na inilaan noong 1984 at kalaunan ay isinara sa loob ng 15 buwan para sa malawakang renobasyon.

Sa gabi bago ang muling paglalaan, isang grupo ng 9,200 kabataan ang nagsama-sama para sa kultural na pagdiriwang ng kabataan. Maraming kabataan ang sumali kaya napuno ang Taco Bell Arena sa kampus ng Boise State University, at ang kanilang pamilya at iba pa ay kailangang magtipon sa malayong lugar para mapanood ang programa, na ibinrodkast sa mga stake center sa buong temple district.

Ang pagtatanghal ay hindi gaanong nakatuon sa pagsasayaw kundi sa paghahanda para sa templo, sabi ni Gary Walker, ang subcommittee chairman sa kultural na pagdiriwang ng mga kabataan.

Sa pagdiriwang, sinabi ni Pangulong Monson sa mga kabataan na ang templo ay “nagliliwanag bilang simbolo ng kabutihan sa lahat na susundan ang liwanag nito. … Pinahahalagahan natin ang liwanag na iyan, at pinasasalamatan natin ang Ama sa Langit sa mga pagpapalang dulot sa ating buhay ng templong ito at ng lahat ng templo.”

Dumalo rin rin si Elder Bednar sa mga sesyon ng paglalaan nang araw ng Linggo, dito ay itinuro niya, “May kasiglahan, liwanag, at ningning na nagmumula sa templo saanman ito naroon sa mundo.”

Ang Boise Idaho Temple ay naglilingkod sa tinatayang 100,000 Banal sa mga Huling Araw mula sa 31 stake na sakop ng area.

Ipinahayag ni Pangulong Thomas S. Monson ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa mga miyembro ng Simbahan sa kultural na pagdiriwang isang gabi bago niya muling ilaan ang Boise Idaho Temple.

© IRI