2013
Sinasabi sa Para sa Lakas ng mga Kabataan na iwasan ang sobra o di-angkop na ayos ng buhok. Anong mga estilo ang maituturing na sobra o di-angkop?
Marso 2013


Sinasabi sa Para sa Lakas ng mga Kabataan na iwasan ang sobra o di-angkop na ayos ng buhok. Anong mga estilo ang maituturing na sobra o di-angkop?

Ang itinuturing na sobra o di-angkop ay depende sa kultura at panahon, kaya mahirap sabihin kung ano talagang ayos ng buhok ang sobra o di-angkop para sa lahat. Kaya paano mo malalaman kung ang ayos ng buhok ay “sobra o di-angkop”? Tanungin mo ang iyong sarili, “Bakit ko ginagawa ito?” Kung gusto mong kulayan, habaan, at ayusin nang kakaiba ang buhok para lang “maiba ka sa lahat” o mapansin, kung gayon nagawa mo na ang “sobra o di-angkop” na tinukoy sa Para sa Lakas ng mga Kabataan.1

Pinapayuhan ka ba ng mga lider ng Simbahan na iwasan ang sobra o di-angkop na pag-aayos dahil sa gusto lang nila na simple at ordinaryo kang tingnan, walang anumang estilo o personalidad? Siyempre hindi. Ipinayo nila ito dahil ang kaanyuan mo ay nagpapahiwatig ng iyong pagkatao. “Sa inyong pananamit at kaanyuan, maipapakita ninyo kung gaano kahalaga ang inyong katawan. Maipapakita ninyo na kayo ay disipulo ni Jesucristo.”2 Maaaring hindi makita sa iyo ang katangiang ito kung sobra o di-angkop ang ayos ng buhok mo at sa halip ay masamang impresyon ang maibigay nito tungkol sa iyo.

Mga Tala

  1. Tingnan sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (buklet, 2011), 7.

  2. Para sa Lakas ng mga Kabataan, 6.