2019
Napakaraming Bagay ang Kailangan Ko Pang Matutuhan tungkol sa Priesthood
Marso 2019


Napakaraming Bagay ang Kailangan Ko Pang Matutuhan tungkol sa Priesthood

Bilang isang kabataang babae at isang missionary kalaunan, naaalala ko na napapaisip ako kung ang ilang mga talata sa banal na kasulatan ay angkop sa akin bilang isang babae, lalo na ang tungkol sa gawaing misyonero at priesthood. Ngayon sa iba’t ibang tungkulin ko sa Simbahan at bilang isang guro ng relihiyon, itinanong din sa akin ng iba kung paano naaangkop sa kanila ang priesthood.

Gaya ng binanggit ko sa aking artikulo sa pahina 34, ang mga lider ng Simbahan ay humiling sa mga miyembro sa nakalipas na ilang taon na mas unawain pa ang priesthood. Sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson ang isang alalahanin na “marami sa ating mga kapatid na lalaki at babae ay hindi lubos na naiintindihan ang konsepto ng kapangyarihan at awtoridad ng priesthood.”1

Totoo ang kasabihan na “ang impormasyon ay nagbibigay ng inspirasyon.” Nang pag-aralan ko ang priesthood at itinuro sa mga estudyante ng unibersidad ang tungkol dito, hindi ko lamang natanto kung gaano kaliit ang aking nalalaman kundi nabuksan din ang aking puso’t isipan sa mga walang hanggang katotohanan tungkol sa priesthood.

Umaasa ako na habang mas natututuhan ninyo ang tungkol sa priesthood sa isyung ito, mas mauunawaan ninyo ang pagnanais ng ating mga Magulang sa Langit na pagpalain tayo sa pamamagitan ng priesthood at na ang mga propeta sa mga huling araw ay nagsusumamo sa atin na samantalahin ang mga pribilehiyong ito—marahil lalo na yaong mga ibinibigay sa mga marapat na lalaki at babae sa loob ng templo.

Tapat na sumasainyo,

Barbara Morgan Gardner

Tala

  1. Russell M. Nelson, “Paglilingkod nang may Kapangyarihan at Awtoridad ng Diyos,” Liahona, Mayo 2018, 69.