2019
Ipakita at Ikuwento
Marso 2019


Ipakita at Ikuwento

Larawan
Show and Tell
Larawan
Primary children in Colombia

Ipinagdiwang natin ang anibersaryo ng Primary sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang palabas ng talento sa tulong ng mga pamilya at missionary. Nagpalabas ng isang kuwento mula sa Aklat ni Mormon ang bawat pamilya.

Aktibidad ng Primary, Cali Colombia Colima Stake

Larawan
girl from Ecuador

Ang aking binyag ay talagang espesyal sa akin. Nagdasal ako kasama ang aking ina na bigyan ako ng pahintulot ng aking ama na mabinyagan. Sinagot ng Ama sa Langit ang aking mga dasal, at pinahintulutan ako ng aking ama. Nabinyagan ako, at napakasaya ko na mapabilang sa nag-iisang totoong Simbahan sa balat ng lupa, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Lumalago ang aking patotoo araw-araw habang natututo ako tungkol sa aking Ama sa Langit.

Amy V., edad 9, El Oro, Ecuador

Larawan
boy from Zambia

Nag-aaway ang aking mga nakababatang kapatid na babae at lalaki. Ipinaalala ko sa kanila na tinuruan tayo ni Jesus na huwag makipag-away. Masarap sa pakiramdam na maging mabuting halimbawa.

Tequan K., edad 10, Lusaka, Zambia

Larawan
Primary children in Spain

Natutunan namin ang tungkol sa baluti ng Diyos, Mga Saligan ng Pananampalataya, mga lider ng Simbahan, mga aklat sa Aklat ni Mormon, at panaginip ni Lehi.

Aktibidad ng Primary, Santiago Spain District

Print