Hello, mula sa Italy!
Ako si Margo. At ako naman si Paolo. Naglalakbay kami sa buong mundo upang matuto tungkol sa mga anak ng Diyos. Samahan kami sa aming pagbisita sa Italy!
Ang Italy ay nasa katimugan ng Europe. Sa isang mapa, mukha itong isang bota! Mahigit sa 60 milyong tao ang nakatira doon.
Alam mo ba kung paano sasabihin ang “Ako ay anak ng Diyos” sa wikang Italyano? Sono un figlio di Dio. Binabasa ng batang babae na ito ang Aklat ni Mormon sa wikang Italyano.
Maraming bata sa Italy ang umuuwi mula sa paaralan upang kumain kasama ang kanilang mga pamilya kapag pausa pranzo—tanghalian. Maaaring kakain sila ng pasta o kanin at karne at gulay.
Bago maghapunan, maraming Italyanong pamilya ang mahilig maglakad-lakad kapag gabi, o passeggiata. Nagsusuot sila ng magagandang damit at naglalakad nang magkakasama sa plasa. Maaari rin silang huminto para kumain ng gelato—sorbetes ng Italy. Mmmm!
Karamihan sa mga Italyano ay nabibilang sa simbahang Katoliko. Bagaman ang ilan sa kanilang mga paniniwala ay iba sa paniniwala natin, naniniwala sila sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Espiritu Santo.
Ngayong buwan, isang templo ang magbubukas sa Rome! Ito ay ibinalita sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2008. Ito ang magiging unang templo sa Italy.
“Alam ko na buhay si Jesus at na ginagabayan Niya ang mga propeta. Napakahalaga ng pagpunta sa simbahan upang mas matutunan natin ang tungkol kay Jesus. Nagsimula akong magbasa ng Aklat ni Mormon araw-araw dahil nais kong magkaroon ng mas maraming kaalaman tungkol sa ebanghelyo.”
Lorenzo B., pitong taong gulang, Piedmont, Italy
“Kapag ako ay malapit sa templo, naiisip ko ang tungkol kay Jesus at ako ay nasasabik. Sa wakas ay hindi na namin kailangang magmaneho ng labindalawang oras upang makapunta sa templo. Ngayon ay makakapunta na ako sa templo sa loob lamang ng 50 minuto! Kapag ako ay 12 taong gulang na, maaari na akong pumunta sa templo at magsagawa ng mga pagbibinyag.”
Olivia G., edad 8, Lazio, Italy
Salamat sa paglalakbay sa Italy kasama namin. Magkita-kita tayo sa susunod! Ciao!