2019
Isang Aral mula sa Aking mga Magulang
Marso 2019


Isang Aral mula sa Aking mga Magulang

A Lesson from My Parents

Lumaki ako sa isang maliit na bayan sa katimugang Italy. Hindi miyembro ng Simbahan ang aking pamilya noon. Isang araw, noong ako ay siyam na taong gulang, dalawang missionary ang kumatok sa aming pintuan.

Hindi interesado ang aking mga magulang sa sasabihin ng mga missionary, ngunit ako ay interesado. Pati ang kuya kong si Alberto. Pinayagan kami ng aming mga magulang na patuloy na makipagkita sa mga missionary. Kalaunan ay nabinyagan at nakumpirma kami. Ako ay 10 taong gulang at si Alberto ay 11 taong gulang.

Noong ako ay 18 taong gulang, hiniling ko sa aking ama na tulungan akong magbayad para sa aking misyon. Noong una ay sinabi niya na, “Hindi maaari. Sobrang laking pera noon.” Ngunit pagkalipas ng ilang araw, tinanong niya ako, “Nais mo ba talagang magmisyon?” At sinabi kong, “Oo. Nang buong-puso.” Sinabi ng aking ama na tutulungan niya ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit magbabayad ang aking ama ng malaking halaga para sa akin. Pagkatapos ay napagtanto ko na ito ay dahil mahal niya ako. Naisip ko ang tungkol sa sakripisyo ni Jesucristo para sa atin dahil dito. Binayaran Niya ang pinakamataas na halaga dahil minahal Niya tayo.

Nang makabalik ako mula sa aking misyon, ang aking ina ay may malubhang sakit na kanser. Isang araw ay hiniling niyang turuan ko siyang magdasal. Nais niyang magdasal para sa akin. Kahit na nasasaktan siya, iniisip pa rin niya ang iba. Pinaalalahanan niya rin ako tungkol kay Jesus. Nang Siya ay nagbayad-sala para sa atin, Siya ay nakaranas ng matinding sakit. Ngunit nagdasal pa Siya para sa atin.

Kahit na hindi kailanman sumapi sa Simbahan ang aking mga magulang sa buhay na ito, naging mabuting halimbawa sila para sa akin. Nagpapasalamat ako sa mga aral na natutunan ko mula sa kanila. Marami tayong maaaring matutunan mula sa ating mga magulang, guro, at lider kung bukas tayo sa mga itinuturo nila.

Pagkatuto mula sa Ating mga Magulang

Kapag pinipili nating igalang ang ating mga magulang, pinagpapala tayo (tingnan sa Exodo 20:12). Kulayan ang mga larawan at bilugan ang mga bagay na naituro sa iyo ng isang magulang o tagapag-alaga. Ano pa ang mga naiisip mo? Iguhit ito sa mga blangkong espasyo!

  • Magdasal

  • Linisin ang mga kalat

  • Gumamit ng mabubuting salita

  • Maghanda ng pagkain

  • Magbasa

  • Tumulong sa iba