2019
Ang Pinagmulan ng Awtoridad ng Priesthood
Marso 2019


Ang Pinagmulan ng Awtoridad ng Priesthood

Christ ordaining the Twelve Apostles

Detalye mula sa Christ Ordaining the Twelve Apostles, ni Harry Anderson.

Ang priesthood ay ang kapangyarihan at ang awtoridad ng Diyos, na ibinibigay Niya sa atin para tulungan tayong isagawa ang Kanyang gawain ng kaligtasan (tingnan sa Handbook 2: Administering the Church [2010], pahina 8). Ipinagkaloob ng Panginoon ang Kanyang priesthood sa mga piniling tagapaglingkod simula pa noong panahon ni Adan. Dahil ang priesthood ay ipinagkakaloob sa mga karapat-dapat na kalalakihan sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at isang tala ang iniingatan tungkol sa mga ordinasyon na iyon, maaaring matunton ng mga mayhawak ng priesthood ngayon ang kanilang linya ng awtoridad ng priesthood pabalik kay Joseph Smith, na tumanggap ng Melchizedek Priesthood mula sa mga Apostol ni Jesucristo.

1. Sina Pedro, Santiago, at Juan

Noong Kanyang mortal na ministeryo, ibinigay ni Jesucristo ang Kanyang awtoridad ng priesthood sa Kanyang mga Apostol, kabilang na sina Pedro, Santiago, at Juan (tingnan sa Mateo 10).

2. Sina Joseph Smith at Oliver Cowdery

Noong Mayo 15, 1829, si Juan Bautista ay nagpakita kina Joseph Smith at Oliver Cowdery upang ibigay sa kanila ang Aaronic Priesthood. Makalipas ang ilang linggo, ibinigay kina Joseph Smith at Oliver Cowdery ang Melchizedec Priesthood ng mga sinaunang Apostol na sina Pedro, Santiago, at Juan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 27:12; 128:20; Teachings of the Prophet Joseph Smith, sel. Joseph Fielding Smith [1976], 81, 101).

Oliver Cowdery ordaining Joseph Smith

Detalye mula sa Oliver Cowdery Ordains Joseph Smith, ni Walter Rane

3. Mga Apostol at Pinuno sa mga Huling Araw

Ibinigay ni Propetang Joseph Smith ang priesthood sa iba pang karapat-dapat na kalalakihan, na, sa ilalim ng pamamahala ng Propeta, ay ibinigay naman ito sa iba pang karapat-dapat na kalalakihan, at nagpatuloy ito hanggang sa modernong panahon.

Mga susi ng priesthood

Ang mga susi ng priesthood ay ang awtoridad na ibinigay ng Diyos sa mga pinuno ng priesthood para pangasiwaan ang paggamit ng Kanyang priesthood sa mundo, kabilang na ang paraan kung paano ipinapasa ang priesthood ng isang mayhawak ng priesthood sa isa pa. Halimbawa, tanging ang bishop, na mayhawak ng mga susi ng priesthood para sa ward, ang maaaring magpahintulot sa isang lalaki o kabataang lalaki sa kanyang ward na tumanggap ng Aaronic Priesthood. Noong Abril 1836, natanggap ni Propetang Joseph Smith ang mahahalagang susi ng priesthood mula kina Moises, Elias, at Elijah sa Kirtland Temple (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 110).