2019
Mahal naming mga Magulang
Marso 2019


Mahal naming mga Magulang

Dear Parents

Ang pagbabasa ay isang mahalagang kasanayan na maaaring magbukas ng maraming pintuan. Narito ang mga ideya sa paggamit ng Kaibigan upang matulungan ang iba na matutong magbasa.

  • Gumamit ng mga paglalarawan. Ipalarawan sa iyong anak ang kanyang nakikita at pagkatapos ay hanapin ang bahaging iyon ng kuwento habang nagbabasa o nakikinig sila.

  • Basahin nang malakas ang mga kuwento at pasunurin ang mga bata gamit ang kanilang mga daliri.

  • Kapag may nahanap silang bagong salita, ipaliwanag ang kahulugan nito at ipasulat ito sa kanila upang mapagsanayan kalaunan.

  • Magtanong tungkol sa mga kuwento upang matulungan silang maunawaan ito. “Ano ang pakiramdam ni Lucy ngayon?” “Ano ang itinuro ni Jesus tungkol sa pagdarasal?” “Ano sa palagay mo ang susunod na mangyayari?”

  • Kapag natapos na ninyo ang isang kuwento, pag-usapan ito. Hilingin sa iyong anak na ikuwento kung ano ang nangyari. Ano ang natutunan nila? Ano ang nagustuhan nila tungkol dito?

Nais naming marinig ang iyong mga saloobin tungkol sa paggamit ng mga kwentong ito upang maturuan ang iba!

New Friend section

50 E. North Temple St., room 2393

Salt Lake City, UT 84150 USA

liahona@ldschurch.org

Nagmamahal,

Ang Kaibigan