2019
Pagiging Tulad ni Jesus
Marso 2019


Mula sa Unang Panguluhan

Pagiging Tulad ni Jesus

Mula sa “Ating Perpektong Halimbawa,” Liahona, Nob. 2009, 70–73.

Larawan
To Be Like Jesus

Isang araw ng Linggo pinanood ko ang isang grupo ng mga Primary na kumakanta:

Sinisikap kong tularan ang Panginoong Jesus.

Sinisikap kong tularan sa salita at kilos.

Sa t’wing maiisip gawin ang mali,

Sinisikap ko na dinggin ang munting tinig,

“Magmahal ka nang tulad ni Jesus,

Ang kabutiha’y ‘pakitang lubos.

Maging mahinahon sa diwa’t kilos.

Ito ang turo ni Jesus.”

Ang bawat bata ay nakaupo na sa gilid ng kanilang upuan. Nakikita ko ang ningning sa kanilang mga mata at determinasyon sa kanilang mga mukha. Si Jesucristo ang kanilang halimbawa. Ang maging katulad Niya ang kanilang mithiin.

Lahat tayo ay maaaring maging katulad ng Tagapagligtas na si Jesucristo sa pamamagitan ng pamumuhay ng Kanyang ebanghelyo. Sana maghanap kayo ng mga pagkakataon upang magawa ang Kanyang mga nagawa at upang magmahal tulad ng pagmamahal Niya. Ang pagmamahal ang Kanyang paraan upang gabayan tayo na maging katulad Niya. Wala pang perpekto sa atin. Ngunit maaari nating malaman na tayo ay sumusunod sa Kanyang paraan. Inaakay Niya tayo, at nais Niyang sumunod tayo sa Kanya.

Print