2019
Pagkauhaw sa Higit na Pagkaunawa
Marso 2019


Mga Young Adult

Pagkauhaw sa Higit na Pagkaunawa

Salt Lake Temple filling up buckets illustration

Paglalarawan ni Toni Demuro

Minsa’y idineyt ko sa unang pagkakataon ang isang babae sa ward namin. Kinaumagahan kaming dalawa lang ang dumating para sa temple trip ng ward namin. Nag-alok kami ng tulong sa anumang ordenansang kailangan ng pinakamaraming patron … at napunta kami sa mga pagbubuklod.

Kabadong-kabado ako, pero sa gulat ko, hindi naman pala nakakaasiwang gumawa ng mga pagbubuklod para sa mga patay na kasama ang isang babae wala pang 12 oras pagkatapos ng unang deyt namin na tulad ng inakala ko. Ano’t anuman, ang karanasang iyon ay nagpalawak sa aking pananaw kung gaano kahalaga ang bawat aspeto ng gawain sa templo—pati na ang pagbubuklod (basahin ang iba pa sa aking digital na artikulo).

Lahat ng sitwasyon natin ay magkakaiba, ngunit kung tayo’y magsisikap na mas maunawaan ang mga tipan na ginagawa natin sa templo, ang mga ordenansang ito ay hindi magiging katulad ng mga bagay na dapat markahan ng tapos na sa ating espirituwal na checklist at magiging mas katulad ng mga kailangang-kailangang mapagkukunan ng “tubig na buhay” na maaaring magbigay sa atin ng espirituwal na lakas (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 63:23). At sa magulong mundong ginagalawan natin, kailangan natin ang lahat ng lakas na matatamo natin!

Sa isyung ito, ibinahagi ng mga young adult ang kanilang mga karanasan sa templo. Ibinahagi ni Kealohilani kung gaano napagpala ng tapat na pagsuot ng temple garment ang kanyang buhay (tingnan sa pahina 44). Sa isang artikulo sa digital lamang, ibinahagi ni Zariah ang kanyang mga pangamba tungkol sa pakiramdam na hindi pa sapat ang kanyang pagkamarapat para makapasok sa templo. Kung naghahanda ka ring magpunta sa templo sa unang pagkakataon, gumawa kami ng Q&A na maaaring makatulong sa iyo (online lamang). At ikinuwento ni Mahesh kung paano siya nagbalik sa templo para mas maunawaan ang mga tipang ginawa niya roon (tingnan sa pahina 48).

Kahit sinisikap ko ngang makapunta sa templo hangga’t kaya ko para mapanariwa ang aking espirituwalidad, ang pinakamahalaga ay tinutulutan kong turuan at baguhin ako ng Espiritu sa templo sa loob at labas ng mga pader nito. Sa gayon ay matitighaw ng “tubig na buhay” na nagmumula sa templo at sa aking mga tipan ang pagkauhaw ko araw-araw.

Mabuhay!

Alex Hugie