2019
Bumisita sa Russia si Elder Uchtdorf
Marso 2019


Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Bumisita sa Russia si Elder Uchtdorf

Ang mga Apostol ay naglalakbay sa buong mundo upang maglingkod sa mga tao at magturo tungkol kay Jesucristo.

Elder Uchtdorf Visits Russia

Bumisita sa Russia sina Elder Dieter F. Uchtdorf at Sister Harriet Uchtdorf upang makatulong sa mga miyembro ng Simbahan doon. Bago maging isang Apostol, si Elder Uchtdorf ay madalas lumipad patungong Russia bilang kapitan ng eroplano.

Malaking bansa ang Russia, at hindi nagkaroon ng templo dito noon pa man. Noong nakaraang taon, ibinalita ni Pangulong Nelson na isang templo ang itatayo doon. Sabik na sabik ang lahat!

Unang pumunta si Elder Uchtdorf sa Moscow, ang kabiserang lungsod ng Russia. Natuwang makipagkita sa kanya at makinig sa mga turo niya ang mga tao roon. Sinabi niya na maaari tayong makatulong sa iba na malaman ang tungkol kay Jesus sa pamamagitan ng pagsisilbi sa kanila.

Sunod niyang pinuntahan ang malaking lungsod na tinatawag na St. Petersburg. Sa Russia, ang mga missionary ay tinatawag na mga “boluntaryo,” at araw-araw silang naghahanap ng mga taong matutulungan. Maaari lamang silang magturo sa mga tao tungkol sa ebanghelyo kapag sila ay nasa loob ng gusali ng Simbahan. Kumain ng hapunan si Elder Utchdorf kasama ang ilan sa mga boluntaryo na malapit nang matapos sa kanilang misyon at pauwi na.

Kahit hindi pa natin alam kung saan o kailan itatayo ang bagong templo, hinimok ni Elder Utchdorf ang bawat isa sa Russia na ihanda ang kanilang mga buhay para sa araw kung kailan magkakaroon ng templo roon.

“Kailangan nating ihanda ang ating mga puso para sa templo.” —Elder Uchtdorf

Paghahanda para sa Templo

Ano ang ilan sa mga paraan na makapaghahanda ka upang makapunta sa templo balang-araw?

Maglagay ng larawan ng templo sa iyong silid.

Maghanap ng isang tao sa iyong family tree na hindi pa napapabinyagan.

Makipag-usap tungkol sa templo sa isang taong nakapasok na sa loob.