2019
Nagturo si Jesus tungkol sa Pagdarasal
Marso 2019


Pagsunod kay Jesus

Nagturo si Jesus tungkol sa Pagdarasal

Larawan
Jesus Taught about Prayer 1
Larawan
Jesus Taught about Prayer 2
Larawan
Jesus Taught about Prayer 3

Nagturo si Jesus sa isang burol malapit sa dagat. Nagturo Siya tungkol sa pagiging mabait. Nagturo Siya tungkol sa pagiging mabuting halimbawa. Nagturo rin Siya tungkol sa panalangin.

Itinuro ni Jesus na dapat tayong makipag-usap sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng pagdarasal.

Maaari tayong magpasalamat sa Diyos para sa kung ano ang mayroon tayo. Maaari tayong humiling sa Kanya ng mga bagay na kailangan natin.

Maaari tayong magdasal upang mapatawad ang iba. Maaari tayong humiling sa Diyos na patawarin tayo. Maaari tayong magdasal upang magawa ang tama.

Maaari akong maging katulad ni Jesus. Maaari akong magdasal sa Ama sa Langit araw-araw.

Print