Narito ang Simbahan
Rome, Italy
Kapag inilaan ang Rome Italy Temple sa linggo ng Marso 10–12, 2019, ang mga Banal sa mga Huling Araw sa buong mundo ay magbubunyi, lalo na ang mga Banal sa Italy. Mayroon pa bang magiging mas makahulugang gusali sa “walang hanggang lungsod” na hihigit kaysa sa isang bahay ng Panginoon?
Ang templo, na pinakauna sa Italy, ay nasa hilagang-silangang bahagi ng Rome. Bahagi ito ng isang sentro ng relihiyon at kultura na kinabibilangan ng isang meeting house na magagamit sa iba’t ibang pagtitipon (mayroon itong cultural hall at mga pasilidad para sa mga kumperensya), visitors’ center, family history center, at patron housing, na napaliligirang lahat ng mga hardin.
Ang gawaing misyonero sa Italy ay nagsimula noong 1850, ngunit ang pagsulong nito ay naudlot dahil sa isang aktibidad ng mga kumakalaban sa Simbahan at ng mabibigat na hinihingi ng batas. Ang Simbahan ay pinahintulutan sa wakas na muling magsimula ng gawaing misyonero noong 1964. Noong 1993, binigyan ng Italy ang Simbahan ng pormal na legal na katayuan. Noong 2012, natanggap ng Simbahan ang opisyal na katayuan nito bilang “katuwang ng estado,” na nagpapahintulot sa Simbahan na mas malayang gumawa ng kabutihan, kapwa bilang simbahan at institusyong panlipunan.
-
Ngayon ay may halos 27,000 mga miyembro sa Italy na nagtitipon sa 101 na mga kongregasyon.
-
Si Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) ang namuno sa groundbreaking ng Rome Italy Temple noong 2010, na dinaluhan din ng bise alkalde ng Rome.
-
May dalawang misyon sa Italy: ang Italy Milan Mission at ang Italy Rome Mission.