2019
Maraming Paraan upang Masabing “Mahal Kita”
Marso 2019


Maraming Paraan upang Masabing “Mahal Kita”

Larawan
Lots of Ways to Say I Love You

Maraming paraan upang masabing “Mahal kita” sa ating pamilya at mga kaibigan! Laruin ang larong ito sa isang grupo. Gumamit ng mga pananda ng lugar tulad ng mga butones o maliliit na bato. Magpagulong ng isang dais, umusog nang pasulong, at gawin ang gawain sa espasyo kung saan ka lumapag.

  • Yakapin ang isang tao.

  • Sabihing “Mahal kita.”

  • Magkuwento tungkol sa pagkakataong may taong nagpakita sa iyo ng pagmamahal.

  • Magsabi ng isang bagay na nagawa mo upang makapagpakita ng pagmamahal.

  • Basahin ang Juan 3:16.

  • Kantahin ang “God Loved Us, So He Sent His Son” (Hymns, blg. 187).

  • Magsabi ng isang bagay na gagawin mo upang makapagpakita ng pagmamahal sa linggong ito.

  • Magsabi ng isang paraan na alam mong mahal ka ni Jesus.

  • Magsabi sa isang tao kung ano ang gusto mo tungkol sa kanya.

  • Magsabi ng isang paraan na alam mong mahal ka ng Ama sa Langit.

  • Basahin ang Juan 13:34.

  • Ipakita ang iyong pinakamagandang ngiti.

  • Basahin ang Marcos 12:29–31.

  • Kantahin ang “Mahalin ang Bawat Isa” (Mga Himno, blg. 196).

  • Gumuhit ng maraming puso hangga’t kaya mo sa loob ng sampung segundo.

  • Sumulat ng isang maikling mensahe para sa isang taong mahal mo.

  • Gumuhit ng isang larawan para sa isang tao.

  • Gumawa ng hugis-puso gamit ang iyong mga kamay.

  • Makipag-apir.

  • Kantahin ang “Ang Pag-ibig ng ating Tagapagligtas” (Mga Himno, blg. 64).

  • Sabihing “Mahal kita.”

  • Magbigay ng papuri.

  • Gumawa ng hugis puso gamit ang iyong mga bisig.

Print