2019
Sa Tuwing Magdarasal
Marso 2019


Sa Tuwing Magdarasal

Mahinahon = 48–58

Larawan
Close as a Quiet Prayer

1. Bawat saglit, araw man o gabi,

Ama sa Langit ay nasa ‘king tabi.

Naririnig Niya ang aking dalangin.

Alam kong Siya ay nar’yan lang,

Sa t’wing magdarasal.

2. Kapag Siya’y pinasasalamatan,

Papuri ko’y Kanyang kinalulugdan.

‘Pag mag-isa’t kailangan ng kaibigan,

Alam kong Siya ay nar’yan lang,

Sa t’wing magdarasal.

3. Sinasambit man ang panalangin,

Dasal na tahimik, ay diringgin din.

Kanyang pag-ibig laging nadarama.

Alam kong Siya ay nar’yan lang,

Sa t’wing magdarasal.

Koro:

Sa Ama ako’y nagdarasal; kailan man, saan man.

Sa t’wina, Siya ay nar’yan lang

Sa t’wing magdarasal.

Sa t’wing magdarasal.

Print