Mga Kabataan
Gustung-gusto Ko ang Family History! Hindi ako palaging natutuwa sa paggawa ng family history. Nagbago iyan nang mabinyagan ako para sa isa sa mga ninuno ko sa Chile Santiago Temple.
Deacon ako nang una akong magpunta sa templo. Nang papasok na ako sa bautismuhan, naramdaman ko na may pumasok sa silid. Tumingala ako at nakita ko ang isang matandang lalaki na nakasuot ng lumang damit. Nadama ko ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa akin dahil ginagawa ko noon ang nakapagliligtas na mga ordenansa para sa kanya. Nang mabinyagan na ako para sa kanya at umahon na ako mula sa tubig, hinanap ko siya sa paligid, pero wala na siya roon.
Dati-rati’y iniisip ko na maglalaan ng mga pangalan ang templo para sa gawain sa templo, kaya hindi ako naging interesadong magsaliksik ng family history. Pero pinanabik ako ng karanasang ito na maghanap ng mga pangalan ng sarili kong pamilya.
Isang araw umupo ako sa harap ng computer ko at nakita ko na may natanggap akong email mula sa Simbahan na may pangalan ng isang pamilya. Nadama ko na kailangan kong magsaliksik ng iba pang mga pangalan, kaya tinanong ko ang nanay ko kung paano ko epektibong mahahanap ang mga pangalan at makukuha ang iba pang impormasyon tungkol sa aking mga ninuno.
Sa ngayon, nakakita na ako ng 11 kaanak, at alam ko na mas marami pa akong makikita. Hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga taong ito na mabinyagan noong nabubuhay pa sila, at matagal na nilang hinihintay na magawa ang kanilang mga ordenansa sa templo. Natutuwa ako na matutulungan ko sila sa pamamagitan ng gawain sa templo at family history.
Lucas, 16, Santiago, Chile