Mga Naunang Edisyon
Mangakong Gawin


Mangakong Gawin

arrow-orange

Paano ako magkakaroon ng progreso araw araw?

Oras:I-set ang timer nang 10 minuto para sa section na Mangakong Gawin.

Basahin:Bawat linggo, pipipili tayo ng “action partner.” Ito ay group member na tutulong sa ating magawa ang ipinangako nating gawin. Ang mga action partner ay dapat makipag-ugnayan sa isa’t isa sa buong linggo at ireport ang progreso sa isa’t isa. Karaniwan, ang mga action partner ay parehong babae o parehong lalake at hindi magkamag-anak.

Praktis:Pumili ng action partner. Magdesisyon kung kailan at paano kayo makakapag-uusap.

Pangalan ng action partner

Contact information

Basahin nang malakas sa iyong action partner ang bawat pangako. Mangakong tutuparin ang iyong mga pangako! Lumagda sa ibaba.

ANG AKING MGA IPINAPANGAKONG GAWIN

Tatapusin ko ang bawat gawain sa daily Business Success Map (tingnan sa mga pahina 13–14).

Maghahanda ako ng business notebook at dadalhin ko ito sa susunod na miting namin.

Kakamtin ko ang aking weekly business goal:

Gagawin ko ang alituntunin sa My Foundation ngayon at ituturo ito sa aking pamilya.

Magdadagdag ako sa aking impok na pera—kahit kaunti lang.

Magrereport ako sa aking action partner.

Ang aking lagda

Pangalan ng action partner

Paano ko irereport ang aking progreso?

Panoorin ninyo:“Pagkilos at Paggawa ng Pangako” (Walang video? Basahin sa pahina 12.)

Praktis:Bago ang susunod na miting, gamitin ang commitment chart na ito para irekord ang iyong progreso. Sa mga kahon sa ibaba, ilagay ang “Oo,” “Hindi,” o kung ilang beses mong tinupad ang pangako.

Natapos ang mga gawain sa daily Business Success Map (Isulat kung ilang araw)

Nagdala ng business notebook (Oo/Hindi)

Nakamit ang weekly business goal (Oo/Hindi)

Nagawa ang alituntunin sa Foundation at naituro sa pamilya (Oo/Hindi)

Nakapagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)

Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)

Basahin:Tandaan din na irekord at i-monitor ang iyong personal na mga gastusin sa likod ng iyong booklet na My Path to Self-Reliance.

Basahin:Sa susunod na miting ng ating grupo, susulat ang facilitator ng commitment chart sa pisara (tulad ng nasa itaas). Darating tayo nang 10 minuto bago magsimula ang miting at isusulat natin ang ating progreso sa chart.

Pumili ng sinuman para mag-facilitate ng paksa sa My Foundation sa susunod na linggo. Ipabasa sa kanya ang inside front coverng workbook na ito para malaman kung ano ang ginagawa ng mga facilitator. Dapat magpa-facilitate siya nang katulad ng ginawa ng facilitator ngayon:

  • Anyayahan ang Espiritu; anyayahan ang mga group member na hangarin ang Espiritu.

  • Magtiwala sa mga materyal; huwag magdagdag; gawin lamang ang sinasabi nito.

  • Pangasiwaan ang oras.

  • Dagdagan ang sigla; magkatuwaan!

Paalala sa Facilitator:

Alalahaning gumawa ng mga kopya ng group contact information para sa susunod na miting.

Tandaan din na irehistro ang lahat ng group member sa srs.lds.org/report.

certificate icon

Praktis:Sino ang gustong makakuha ng sertipiko sa business entrepreneurship mula sa LDS Business College sa Salt Lake City, Utah, United States of America? Pumunta sa mga pahina 197–98 at magsalitan sa pagbasa ng mga requirement.

Basahin:Hilingan ang isang tao na magbigay ng pangwakas na panalangin.