Para sa mga Facilitator
Sa araw ng miting:
-
I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para ireport ang mga ipinangako nila.
-
Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting.
30 minuto bago magmiting:
-
Ayusin ang mga silya paikot sa mesa para magkakalapit lahat.
-
Isulat ang commitment chart sa board kasama ang mga pangalan ng mga tao sa grupo mo (tingnan ang halimbawa sa ibaba).
Pangalan ng group member
Nag-interbyu ng 4 na supplier (Isulat ang #)
Nagtakda ng aking initial selling price (Oo/Hindi)
Nagawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)
Nagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)
Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)
Gloria
6
O
O
O
O
10 minuto bago magmiting:
-
Masayang batiin ang mga tao sa pagdating nila.
-
Sa pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa board. Ipaalala din sa kanila na pumunta sa pahina 205 at i-update ang kanilang pag-unlad patungo sa sertipikasyon.
-
Mag-assign ng timekeeper.
Sa pagsisimula:
-
Ipa-turn off sa mga tao ang kanilang mga phone at ibang mga device.
-
Magsimula sa pambungad na panalangin (at himno, kung nais).
-
Tahimik na sabihin sa mga nahuling dumating na i-turn off ang kanilang mga phone at kumpletuhin ang commitment chart habang ipinagpapatuloy ng grupo ang talakayan.
-
I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.
-
Kumpletuhin ang principle 4 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa susunod na pahina.