Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-green

Ano ang gustong bilhin ng mga tao?

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.

Basahin:Paano tayo pipili ng mga negosyo na maaaring magtagumpay? Kung mayroon nang negosyo, paano natin malalaman kung ito ang tama para sa atin?

business success map

Ang lesson na ito ay magpopokus sa Customers section sa Business Success Map.

Panoorin:“Negosyo sa Stick” (Walang video? Basahin sa pahina 28.)

Talakayin:Ano ang natutuhan mo sa video na ito?

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Ano ang gustong bilhin ng mga tao?

MGA GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Makikipag-usap ako sa mga may-ari ng negosyo at sa mga kustomer at pipili ng isang produkto o serbisyo na lulutas sa problema ng mga kustomer.

Sa miting na ito, mag-aaral at magpa-praktis ka ng mga skills o kasanayan para matulungan kang masagot ang tanong na ito at maisagawa ang mga gawaing ito. Ang video na ito ay makakatulong sa iyong magsimula sa pamamagitan ng mga tamang tanong.

Panoorin:“Pagpili ng Tamang Negosyo” (Walang video? Basahin sa pahina 30.)

Basahin:Basahin natin ang diagram na ito at gawin ang praktis sa susunod na pahina.

right business diagram

PAGPILI NG TAMANG NEGOSYO

1 Ano ang gustong bilhin ng mga tao?

MGA KUSTOMER, MGA PRODUKTO

2 Na maaari kong maibigay?

MGA KASANAYAN, INTERES, KARANASAN

3 Na magpapahintulot ng “ease of entry”?

KOMPETISYON, MGA SUPPLIER, KAPITAL

4 Na makakapagpalaki ng aking kita?

SAPAT NA REVENUE/TUBO

MABUTING NEGOSYO PARA SA AKIN!

Paano ako makakapili ng tamang negosyo?

Praktis:Anong uri ng negosyo ang iyong ikokonsidera: pagkain, hospitality, health care, maintenance, konstruksyon, manufacturing, mga serbisyo, o iba pa?

Gamitin ang apat na tanong sa diagram sa nakaraang pahina para matulungan ka sa pagpili ng mga opsyon mo. Tingnan ang mga halimbawa sa kanan. Magsulat ng isa o dalawang uri ng negosyo na interesado ka:

icon ng business mapAng mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay mga ambisyoso pero nagsisimula sa maliit lamang na negosyo.

Halimbawa:

Pagkain, Pagbebenta

Kasama ang taong katabi mo, itanong ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot:

  1. Sa sarili mong negosyo, o sa negosyo na interesado ka, anong partikular na mga pangagailangan ng kustomer ang nakita mo? Ano ang bibilihin ng mga kustomer?

    Dessert o meryenda

    Murang pagkain sa hapon, sa gabi

  2. Aling pangangailangan ang kayang punan ng negosyo mo? Saan ka magaling, o ano ang interesado kang gawin?

    Gusto kong maghanda ng pagkain

    Mahusay ako sa pagbebenta

  3. Anong mga negosyo ang maaari mong madaling simulan, o paano mo mapapalago o mababago ang negosyo mo para mas kumita? Isipin ang kompetisyon, mga supplier, at ang perang kakailanganin.

    Simpleng produkto

    Mababang start-up cost

    Kaunti ang kompetisyon

  4. Paano magagawang palakihin ng negosyo mo ang iyong kita at maging mas self-reliant ka? Saan ka kikita o tutubo?

    Maraming kustomer

Ngayon, maglista ng ilang negosyo na gusto mong matutuhan:

Mga nilalakong pagkain?

Sorbetes? Prutas?

Nakakapagbigay ng saya?

Paano ako matututo mula sa mga may-ari ng negosyo?

Basahin:Ngayong mayroon na tayong ilang ideya tungkol sa ating negosyo, gagawa tayo ng market research para subukan ang ating mga ideya at mas matuto pa. Oobserbahan natin ang mga tao, kakausapin ang mga kustomer at mga kakompitensya, at susubok ng mga produkto. At aalamin natin ang totoong mga kailangan at mga sagot.

Panoorin:“Pakikipag-usap sa mga May-ari ng Negosyo” (Walang video? Magpatuloy sa pagbabasa.)

Praktis:Kasama ang taong katabi mo, praktisin ang mga tanong na itatanong mo sa mga may-ari ng negosyo ngayong linggo. Ipaliwanag sa isa’t isa ang iyong negosyo o ang uri ng negosyo na gusto mong simulan. Magsalitan sa pagpapakilala sa sarili at sa pagtatanong ng mga nasa ibaba. Magbigay ng feedback sa isa’t isa at sumubok muli.

Talakayin:Kapag nakasubok na ang lahat nang kahit isang beses lang, talakayin sa grupo: Sa gagawin mong pakikipag-usap sa mga may-ari ng negosyo, ano ang itatanong mo? Isulat dito kung ano ang natutuhan mo:

icon ng notebook
Basahin:

Bawat araw sa linggong ito, habang ikaw ay nakikipag-usap sa mga may-ari ng negosyo, isulat sa business notebook mo kung ano ang natutuhan mo.

Panoorin:Tingnan kung paano nagsimula ng bagong negosyo sina Joseph at John. Panoorin ang “Joseph at John: Mga Medical Product” (Walang video? Mag-skip sa kasunod na pahina.)

Paano ako matututo mula sa mga kustomer?

Basahin:Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay natututo mula sa mga kustomer araw-araw. Marami tayong matututuhan sa pamamagitan ng pag-obserba sa ating mga kustomer at sa pakikipag-usap sa kanila. Sila ang nagpapatagumpay o nagpapalugi sa ating negosyo. Tayo ay makinig at matuto!

icon ng business mapAng mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay natututo mula sa mga kustomer araw-araw.

Panoorin:“Pakikipag-usap sa mga Kustomer” (Walang video? Magpatuloy sa pagbabasa.)

Praktis:Kasama ang ibang kagrupo, magpraktis ng mga itatanong sa mga kustomer sa linggong ito. Isipin na ang kagrupo mo ay iyong kustomer. Talakayin ang ilan sa mga tanong sa ibaba at kung paano sila naaayon sa iyong negosyo o ideya sa negosyo. Magtala! Pagkatapos ay magpalitan ng role. Bigyan ang isa’t isa ng makakatulong na feedback at praktisin ang ilang mga kahinaan.

icon ng notebook
Basahin:

Bawat araw sa linggong ito, habang ikaw ay nakikipag-usap sa mga kustomer, isulat sa business notebook mo kung ano ang natutuhan mo.

Talakayin:Ano ang mga itatanong mo sa mga kustomer ngayong linggo? Isulat ang mga naisip mo dito o sa iyong business notebook:

Paano ako gagamit ng market research?

Basahin:Kapag tayo ay nag-market research, kailangan nating i-evaluate ang ating mga natutuhan. Praktisin natin ang evaluation process.

Praktis:Pumili ng ibang group member na makakasama. Tingnan ang mga kita, kompetisyon, at mga supplier ng dalawang sumusunod na negosyo.

FRUIT STAND

EVALUATION

Bilang ng nabebenta (average kada araw)

200

Units / Buwan

5000

Selling price

5 kada piraso (average)

Benta / Buwan

25000

Puhunan para makabili

4 kada piraso (average)

Puhunan / Buwan

(20200)

Kompetisyon

6 na fruit stand

KITA AT TUBO

4800

Mga Supplier

2 supplier, malayo

DAMIT PAMBATA

EVALUATION

Bilang ng nabebenta (average kada araw)

20

Units / Buwan

500

Selling price

100 kada piraso (average)

Benta / Buwan

50000

Puhunan para makabili

80 kada piraso (average)

Puhunan / Buwan

(40000)

Kompetisyon

Walang malapit

KITA AT TUBO

10000

Mga Supplier

3 supplier, malapit

Talakayin:Aling negosyo ang pipiliin mo? Bakit?

Mula sa mga tinalakay ngayon, ano pa ang mga itatanong mo tungkol sa mga negosyong ito o sa mga kustomer nila?

Basahin:Ngayong linggo, tayo ay maghahanda para makapagpasiya kung ano ang gusto nating negosyo! Sa buong linggo, rerepasuhin natin ang lahat ng pinag-aralan natin at pupunta sa susunod na miting na may ideya sa negosyo (maaaring isang bagong negosyo o isang pinagbuting negosyo). Kung mayroon na tayong negosyo, magpapasya tayo kung ito na ang pinakamagandang opsyon para sa atin.