Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-purple

Paano ko malalaman ang takbo ng negosyo ko?

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.

Panoorin:“Hindi ko Alam” (Walang video? Basahin sa pahina 65.)

Talakayin:Kung walang mga rekord, paano mo malalaman kung kumikita ang iyong negosyo? Paano mo malalaman kung ikaw ay nabayaran ng lahat ng iyong mga kustomer? Paano mo malalaman ang iyong kabuuang gastusin?

Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ko malalaman kung kumikita ang aking negosyo?

MGA GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Irerekord at imo-monitor ko ang lahat ng kita at gastusin araw-araw simula ngayon.

Sa miting na ito, tayo ay mag-aaral ng mga kasanayan para matulungan tayong sagutin ang tanong at maisagawa ang gawaing ito.

business success map

Pagkatapos, sa buong linggo, irerekord at imo-monitor natin ang kita at gastusin ng ating negosyo para makita natin kung tayo ay kumikita. Basahin natin ang profit section sa Business Success Map.

Bakit kailangan kong magkaroon ng nakasulat na mga rekord?

Praktis:Para sa praktis na ito, huwag magsulat ng kahit anong impormasyon. Kasama ang partner, gamitin ang isang minuto para magbasa sa pahina 66 tungkol sa furniture business ni Daniel. Huwag magsulat ng kahit anong impormasyon. Pagkatapos ay bumalik dito.

Talakayin:Subukang sagutin ang mga tanong na ito nang hindi tumitingin sa rekord:

  • Magkano ang perang ginastos ng negosyo ngayong linggo?

  • Magkano ang perang kinita ng negosyo ngayong linggo?

  • Magkano ang tubo o lugi ng negosyo ngayong linggo?

Naalala mo ba ang kita, gastusin, at tubo nang hindi tumitingin? Gaano kahalaga ang mga nakasulat na rekord?

Praktis:Ngayon, kasama ang iyong partner, bumalik sa buod ng furniture business ni Daniel sa pahina 66 at pagsama-samahin ang mga gastos, kita, at tubo. Magiging mas madali ba kung gumamit ng logbook ang may-ari ng negosyo para irekord ang mga numero?

Paano ko matututuhang makagawian ang pagrerekord?

Talakayin:Ang mga matagumpay na may-ari ng mga negosyo ay nagrerekord araw-araw. Natutuwa ka ba na lagi kang nakakapagrekord? Nakagawian mo na ba ito? Ano ang nakakapigil sa iyo na laging magrekord?

icon ng business mapAng mga matagumpay na may-ari ng mga negosyo ay nagrerekord araw-araw.

Mga gamit sa pagrerekord:

  • Mga kopya ng income and expense log at income statement sa page 60

  • Ledger book

  • Notebook sa point of sale

Basahin:Minsan ay mahirap simulan ang isang bagong gawi, kahit na alam natin na mahalaga ito. Narito ang limang estratehiya para magawa nang maayos ang pagrerekord:

  1. Tandaan ang “bakit”—Ikaw ay makakahanap ng motibasyon sa pamamagitan ng pag-iisip sa mga tao na makikinabang sa ginawa mong pagrerekord, tulad ng iyong mga anak.

  2. Magpaunlad ng mga kasanayan—Maaaring kailangan mo ng mga bagong kasanayan para maging magaling sa pagrerekord. Ang talakayan natin ngayon ay makakatulong sa iyo na matutuhan mo ang mga kasanayang ito.

  3. Pumili ng mga kaibigan, hindi mga kasapakat—Ang isang kaibigan ay isang tao na tutulungan kang gawin ang tama. Ang kasapakat ay isang tao na tutulungan kang gawin ang mali. Hingan ng tulong ang mga nakapalibot sa iyo, kasama na ang iyong asawa, para tulungan kang patuloy na makapagrekord.

  4. Bigyan ng reward at penalty ang sarili nang matalino at minsanan—Gantimpalaan ang sarili dahil nakakapagrekord ka araw-araw.

  5. Gumamit ng mga tools o kagamitan—Naisip mo na bang maghukay ng balon nang walang kagamitan? Siguraduhing may mga tools o gamit ka para magawa ang kailangang gawin. Anong gamit ang kakailanganin para laging makapagrekord? Pag-aaralan natin ang ilang tools mamaya sa miting na ito.

Talakayin:Paano natin gagamitin ang bawat isa sa mga estratehiyang ito para magkaroon ng mahalagang gawi na pagrerekord nang maayos?

Paano ako magrerekord sa income and expense log?

Basahin:Ang income and expense log ay isang karaniwang business form. Dapat nating gamitin ito bawat araw para marekord ang pera na pumapasok at lumalabas sa ating mga negosyo.

Natatandaan ba ninyo si Daniel sa video na “Hindi Ko Alam”? Sinimulan niyang irekord at i-monitor ang kanyang kita at gastusin sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod na hakbang:

Praktis:Kasama ang partner, itugma ang mga numero na nasa table na ito sa mga numero na nasa income and expense log sa kasunod na pahina:

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG INCOME AND EXPENSE LOG

1Si Daniel ay may 1500 sa kaniyang business cash box. Inilagay niya ang halagang iyon bilang kanyang starting balance sa simula ng linggo.

Lunes

2Nakapagbenta ng 4 na upuan. Sa income column, isinulat niya ang 200.

3Nagdagdag siya ng 200 sa cash balance. Bagong balance =1700.

4Nagbayad ng 100 sa renta. Sa expense column, isinulat niya ang -100.

5Ibinawas niya ang 100 mula sa cash balance. Bagong balance =1600.

Martes

6Nagbayad ng 500 kay Maxwell. Sa expense column, isinulat niya ang -500.

7Ibinawas niya ang 500 mula sa cash balance. Bagong balance =1100.

Miyerkules

8Nakapagbenta ng isang mesa at set ng mga upuan. Sa income column, isinulat niya ang 400.

9Nagdagdag siya ng 400 sa cash balance. Bagong balance =1500.

Huwebes

10Nakapagbenta ng bedroom furniture. Sa income column, isinulat niya ang 1000.

11Nagdagdag siya ng 1000 sa cash balance. Bagong balance =2500.

Biyernes

12Bumili ng mga materyal. Sa expense column, isinulat niya ang -1500.

13Ibinawas niya ang 1500 mula sa cash balance. Bagong balance =1000.

Sabado

14Nakapagbenta ng mesa. Sa income column, isinulat niya ang 400.

15Nagdagdag siya ng 400 sa cash balance. Bagong balance =1400.

16Si Daniel ay may 1400 sa kaniyang business cash box.

Basahin:Isinulat ni Daniel ang kanyang kita at mga gastusin araw-araw. Ang kanyang income and expense log ay ganito na sa katapusan ng linggo.

INCOME AND EXPENSE LOG NG DANIEL’S FURNITURE: AGOSTO 14–20

Petsa

Deskripsyon

Ginastos

Kita

Cash Balance

Starting balance ng negosyo ni Daniel

1500 1

Lunes 14/5

Nakapagbenta ng 4 na upuan

200 2

1700 3

Lunes 15/5

Nagbayad ng renta

-100 4

1600 5

Martes 16/5

Binayad na suweldo kay Maxwell

-500 6

1100 7

Miyerkules 17/5

Nakapagbenta ng isang mesa at set ng mga upuan

400 8

1500 9

Huwebes 18/5

Nakapagbenta ng bedroom furniture

1000 10

2500 11

Biyernes 19/5

Nagbayad para sa mga materyal

-1500 12

1000 13

Sabado 20/5

Nakapagbenta ng mesa

400 14

1400 15

Ending balance ng negosyo ni Daniel

1400 16

Talakayin:Sa video, sinabi ni Maxwell, na empleyado ni Daniel, na hindi pa siya nasusuwelduhan. Paano nakatulong ang log na ito para malutas ang problemang iyon ni Daniel?

Ano ang income statement?

Basahin:Ang isa pang mahalagang business form ay ang income statement. Natatandaan ba ninyo kung gaano kahirap makalkula ang kita nang walang tinitingnang rekord sa aktibidad natin kanina? Makakatulong ang income statement! Ibinubuod nito ang lahat ng mga transaksyong ginawa sa loob ng isang linggo, buwan, quarter, o taon. Nakasaad sa summary o buod kung ang negosyo ay kumikita sa panahong iyon.

Ipinapakita sa income statement ang:

  • Kita.

  • Gastusin.

  • Tubo (o Lugi).

Praktis:Kasama ang partner, itugma ang mga numero na nasa table na ito sa mga numero na nasa income statement sa kasunod na pahina.

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG INCOME STATEMENT

Kita

1Para sa kabuuang benta ng mga upuan, naglagay siya ng 200.

2Para sa kabuuang benta ng mga mesa, naglagay siya ng 400.

3Para sa kabuuang benta ng mga dining room set, naglagay siya ng 400.

4Para sa kabuuang benta ng mga bedroom set, naglagay siya ng 1000.

5Pinagsama-sama niya ang lahat ng kanyang kabuuang benta Ang kabuuang kita niya para sa linggo: 2000.

Gastusin

6Para sa halaga ng renta, naglagay siya ng -100.

7Para sa halaga ng mga materyal, naglagay siya ng -1500.

8Para sa suweldo ng empleyado, naglagay siya ng -500.

9Pinagsama-sama niya ang lahat ng kanyang kabuuang gastusin. Ang kabuuang gastusin niya para sa linggo: -2100.

Tubo (o Lugi)

10Ibinawas niya ang gastusin mula sa kanyang kita: 2000-2100= -100.

Talakayin:Ano ang sinasabi sa atin ng income statement na ito tungkol sa negosyo ni Daniel?

Anong panahon ang sakop ng income statement na ito?

Kumita o tumubo ba ang negosyo ni Daniel ngayong linggong ito?

Kaya ba ni Daniel na patakbuhin ang kanyang negosyo nang tulad nito kada linggo? Bakit oo o bakit hindi?

icon ng business mapAng mga matagumpay na may-ari ng mga negosyo ay naghahangad ng kita araw-araw.

Ang BUSINESS Income Statement ng Daniel’s Furnitures (Lunes–Sabado)

Kita

Benta ng mga upuan

200

1

Benta ng mesa

400

2

Benta ng dining room set

400

3

Benta ng bedroom set

1000

4

Kabuuang Kita

2000

5

Gastusin

Upa

-100

6

Mga Materyal

-1500

7

Suweldo ng empleyado

-500

8

Kabuuang Gastos

-2100

9

Tubo (o Lugi)

-100

10

Paano ako makakagawa ng income and expense log at ng income statement?

Basahin:Para malaman kung kumikita ang negosyo natin, kailangan natin ng income statement. Para makagawa ng income statement, kailangan natin ng income and expense log.

Praktis:Nakita mo kung paano nagrekord sa income and expense log si Daniel at paano niya ito ginamit para gumawa ng income statement. Ngayon, gumawa ng income statement para kay Joseph kasama ang iyong partner. Kumpletuhin ang income and expense log at ang income statement sa susunod na pahina.

  1. Gumawa ng income and expense log para sa construction business ni Joseph.

  2. Gumawa ng income statement para sa construction business ni Joseph.

  3. Kapag nasubukan mo ito, kung kailangan mo ng tulong sa paggawa ng income and expense log o income statement, pumunta sa pahina 61 para sa answer key.

Income and Expense Log mula Lunes–Sabado

Petsa

Deskripsyon

Ginastos

Kita

Balanse

3000

Kabuuang Gastusin at Kita

Ang BUSINESS Income Statement ng Joseph’s Construction (Lunes–Sabado)

Kita

Kabuuang Kita

Gastusin

Kabuuang Gastusin

Tubo (o Lugi)

Talakayin:Ano ang natutuhan mo tungkol sa negosyo ni Joseph nang makita mo ang kanyang income statement?

Ang maliliit na may-ari ng negosyo ay umaasa sa bisa ng mga forms na ito. Mayroon bang gumagamit sa inyo ng income and expense log o income statements? Kung oo, paano ito nakatulong?

Praktis:Kung wala ka ng mga rekord na ito, kopyahin sa iyong business notebook ang income and expense log at ang income statement na nasa taas.

Basahin:Irekord ang kita at gastusin bawat araw, at sa katapusan ng linggo, gumawa ng income statement. Magpatuloy sa paggawa nito bawat araw at linggo habang lumalago ang iyong negosyo. Kailangan mo ang mga business record na ito para sa mga miting ng grupo sa ikapito at ikawalong linggo.

Panoorin:Pag-aralan kung paano nakatulong sa pagbuti ng negosyo ni Vangelis ang pagrerekord. Panoorin ang success story na “Vangelis: Street Magician.” (Walang video? Magpatuloy sa pagbabasa.)