Mga Resources Kaya Ko bang Bumili ng Mas Maraming Asset? (Part I) Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod: MARIA: Naomi, nagpasya na akong bumili pa ng mga manok. Kailangan ko ng mas maraming produktibong asset para lumago ang aking negosyo. NAOMI: Sa tingin ko magandang desisyon iyan. Kaya mo bang bumili ng mga manok? MARIA: Bumili? Oo, maglo-loan ako para makabili ng mga manok. NAOMI: Magkano ang iniisip mong hiramin? MARIA: Hihiram ako ng 1500. NAOMI: Bakit 1500? MARIA: May kilala kasi akong nagbebenta ng 15 manok sa halagang 1500. Magandang presyo iyon. NAOMI: Bakit 15 na manok? MARIA: Ganoon kasi karami ang manok niya. NAOMI: May sapat ka bang cash flow para sa 15 manok? MARIA: Oo … a… um, sa tingin ko. Hindi ko alam. NAOMI: Magkano ang hulog kada buwan? MARIA: Nakipag-usap ako sa isang lender, at ang sabi niya, 275 kada buwan. NAOMI: Sapat ba ang available cash mo kada buwan para makabayad ka? MARIA: Sana. NAOMI: Maria, hindi puwedeng puro sana lang. Kailangang sigurado ka na sapat ang pera mo para makabayad ka. MARIA: Pero, paano ko malalaman? Bumalik sa pahina 114 Kaya Ko bang Bumili ng Mas Maraming Asset? (Part II) Pumili ng mga role at isadula ang sumusunod: MARIA: Naomi, salamat at ipinakita mo sa akin kung paano ko malalaman kung magkano pang perang magagamit ko. Mahihirapan pala akong magbayad ng 275 kada buwan para sa loan. Kapag nagkataon, mauubusan ako ng pera sa ikatlong buwan. Siguradong hindi ako makakapagbayad. Baka nawala pati negosyo ko! NAOMI: Oo nga, Maria, mabuti na lang at tiningnan natin ang available cash mo bago ka nag-loan. MARIA: Ako din. Pero paano ko malalaman kung magkano ang kaya kong ibayad? NAOMI: Subukan nating muli ito sa mas maliit na loan. MARIA: Sige. Susubukan kong humanap ng loan na 150 kada buwan ang bayad para makita ko kung kaya ko ito. Bumalik sa pahina 120 Mga Tala Gumawa ng Tala