Mga Resources Huwag Patayin ang mga Manok: Part I Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod: SETTING: Maraming manok si Maria at kaya niyang itaguyod ang kanyang pamilya sa pagbebenta ng mga itlog sa mga lokal na tindahan at kainan. Si Mateo, kapatid ni Maria, ay bumisita: MATEO: Maria! MARIA: Hi, Mateo. Kumusta ka na? MATEO: Mabuti naman ang lahat. Uy! Ang daming itlog. Umaasenso ang negosyo mo! MARIA: Oo, kaya nga nagpapasalamat ako. Ginagamit ko ang mga natutuhan ko sa aking self-employment group. Tinutupad ko ang lahat ng aking mga pangako at maganda ang kinalabasan nito! Binibiyayaan talaga kami ng Panginoon. Nagbunga ang lahat ng pagsisikap ko. MATEO: Maganda iyan! Dapat siguro ay sumali rin ako sa isang grupo. Siyanga pala, may magandang balita rin ako! Nakahanap na ako ng apartment para sa aking pamilya! Magkakaroon na rin kami ng supply ng tubig—at isang bintana! Kaya lang kinulang ang pera ko. Kailangan ko ng 1000 para makalipat. Ayoko sanang mapunta pa sa iba ‘yung apartment, Maria. Tamang-tama iyon para sa amin. Puwede mo ba akong tulungan? MARIA: Mateo, gusto kitang tulungan, at siguro puwede rin kitang bigyan ng 1000, pero kailangan kong ibenta ang aking mga manok. Bumalik sa pahina 72 Huwag Patayin ang mga Manok: Part II Magsalitan sa pagbasa ng sumusunod na mga talata: Kunwari ay nagtatrabaho ka sa isang hotel. Puwede ka bang kumuha ng pera mula sa hotel kahit kailan mo gustuhin? Puwede bang kumuha ng pera ang kapatid mo kahit kailan niya gustuhin? Baka ipakulong nila siya! Ngayon ay isipin mo ang iyong negosyo. Ang negosyo mo ay kailangang lumago at umunlad para masunod mo ang utos na maging self-reliant. Ang negosyo mo ay isang paraang magagamit ng Panginoon para biyayaan ka. Kung ito ay matagumpay, makakaya mong tulungan ang marami pang iba. Kaya, paano mo poprotektahan ang negosyo mo para ito ay magtagumpay? Dapat bang kumuha ka ng pera mula sa negosyo mo anumang oras para sa iyong mga personal na pangangailangan? Ganoon din ba ang iyong kapatid o kapitbahay? Alalahanin mo: ikaw at ang negosyo mo ay magkaiba! Dapat magkahiwalay ng lalagyan ang pera ng negosyo mo at ang personal na pera mo. Puwede kang gumamit ng magkahiwalay na kahon o bank accounts. Kailangan mo ring magkaroon ng magkahiwalay na mga rekord para sa pera ng negosyo at personal na pera: magkahiwalay na mga lalagyan at magkahiwalay na mga rekord. Pero paano ka makakapaglabas ng pera mula sa negosyo mo para sa iyong pamilya? Paano ba ito mangyayari kung ikaw ay nagtatrabaho para sa iba? Ang tao o negosyong iyon ay suswelduhan ka, ‘di ba? O kung ikaw ay isang salesperson, puwede kang bigyan ng komisyon ng pinagtatrabahuhan mo. Ang iyong suweldo o komisyon ang magiging kita mo—at ikaw ay magbabayad ng ikapu mula sa kita na ito. At puwede mo na itong gamitin para sa lahat ng iyong personal na pangangailangan, tulad ng pagkain o damit—o kahit pangtulong sa iyong kapatid. Bilang may-ari ng isang negosyo, dapat ay suwelduhan mo ang iyong sarili—isang tiyak na halaga bawat linggo, halimbawa. Kung walang sapat na pera ang negosyo mo para magpasuweldo nang regular, puwede mo pa ring bayaran ang sarili mo ng komisyon—isang porsiyento ng benta. Alinman dito, ang suweldo o komisyon mo ang iyong magiging personal na kita. Magbabayad ka ng ikapu mula sa kitang ito. At pagkatapos ay magagamit mo ang matitirang pera para sa pagkain, renta, gamot, at pag-iimpok. Ang simpleng hakbang na ito—paghiwalayin ang pera ng negosyo at ang personal na pera—ay parehong magpoprotekta sa iyo at sa negosyo mo. Ang negosyo mo ay maaaring lumago at magtagumpay. At malalaman mo kung anong pera mula sa iyong personal account ang puwede mong gamitin at ipamahagi. Bumalik sa pahina 73 Huwag Patayin ang mga Manok: Part III Pumili ng mga role at isadula ang mga sumusunod: MARIA: Mateo, kung ibebenta ko ang lahat ng mga manok ko, alam mo kung ano ang mangyayari sa negosyo ko, ‘di ba? Wala akong itlog na maibebenta. At malulugi ang aking negosyo. At paano ko na papakainin ang pamilya ko? Pasensya na. Sana maintindihan mo na hindi ko puwedeng basta na lang kuhanan ng pera ang negosyo ko kahit kailan ko gustuhin. Binabayaran ko lang ang sarili ko ng regular na suweldo. Ang natitirang pera ay ginagamit para mapaikot ang negosyo at makatulong sa pagpapalago nito, para maging self-reliant kami. Dapat maging self-reliant kami para makatulong kami sa iba. MATEO: Naiintindihan ko. MARIA: Gayunman, mayroon akong 200 mula sa personal na impok ko na puwede kong ibigay sa iyo, kung makakatulong ito. MATEO: Sa totoo lang, malaking tulong ito. Salamat, Maria. MARIA: Walang anuman. Masaya akong makatulong sa iyo kahit kaunti lang. Bumalik sa pahina 73 Ang Iyong Water Business: Answer Key Bumalik sa pahina 76 Mga Tala Gumawa ng Tala