Pag-aralan
Kaya ko bang bumili ng mas maraming asset?
-
Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa section na Pag-aralan.
-
Basahin:Isang paraan para mapalago ang ating mga negosyo ay ang pagdagdag ng mga produktibong asset. Bago tayo magdagdag ng mga produktibong asset sa ating mga negosyo, kailangan nating malaman kung kaya ba nating bumili nito.
-
Panoorin ninyo:“Kaya Ko bang Bumili ng Mas Maraming Asset? (Part I)” (Walang video? Basahin sa pahina 128.)
-
Talakayin:Paano malalaman ni Maria kung may sapat siyang ibabayad saloan?
-
Basahin:Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay sinisigurong kaya nilang tustusan ang pagpapabuti ng kanilang mga negosyo bago pa man nila gawin ito.
-
Basahin:TANONG SA LINGGONG ITO—Kaya ko bang mag-loan para makabili ng asset?
GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Gagawa ako ng mga cash flow statement para mas maintindihan ang magiging kalagayan ng aking negosyo.
-
Basahin:Ang cash flow statement ay isang tool na makakatulong sa iyo na matukoy ang mga paraan sa pagpapalago ng iyong negosyo. May tatlong step o hakbang sa paggawa ng cash flow statement:
-
Step 1: Gamit ang iyong mga nakaraang income statement, tingnan ang nakaraang performance ng negosyo mo.
-
Step 2: Tingnan ang magiging kalagayan iyong negosyo sa pamamagitan ng pagtatanong nito sa sarili: “Ano ang magiging kita at gastusin ko sa mga darating na panahon?”
-
Step 3: Alamin kung magkano ang magiging pera mo sa hinaharap.
Ang cash flow statement ay tutulong sa iyong magpasiya kung ano ang pipiliin mo sa iba-ibang paraan ng pagpapalago ng iyong negosyo, tulad ng pagdadagdag ng produktong pagpipilian, pagbabawas ng mga gastusin, pagpapalaki ng kita, at pag-evaluate kung dapat nang mag-loan.
-
-
Panoorin:Panoorin ang success story na “Rosanny: Hot Food” para makita kung paano nakatulong sa pagpapalago ng negosyo ni Rosanny ang pag-loan. (Walang video? Lumipat sa kasunod na pahina.
Magkano ang perang maaari mong gamitin ngayon?
-
Panoorin:“Magkano ang Perang Maaaring Gamitin?” (Walang video? Magpatuloy lang.)
Pagkatapos mong panoorin ang video, repasuhin ang pahinang ito para maalala ang natutuhan mo.
-
Basahin:Para malaman kung may sapat na pera si Maria para palaguin ang kanyang negosyo, kailangan niyang malaman ang tatlong bagay: ang nakaraan, ang kinabukasan, at ang cash flow.
Malalaman niya ang tatlong bagay na ito sa pamamagitan ng paggawa ng cash flow statement.
STEP 1: Ang Nakaraan
Gamit ang kanyang mga income statement, isusulat ni Maria ang kanyang kita, fixed na mga gastusin, variable na mga gastos, at tubo o lugi sa nakaraang dalawang buwan.
Nakaraang 2 buwan
Nakaraang buwan
Sa Buwang Ito
Sa Kasunod na Buwan
Buwan 3
Buwan 4
Buwan 5
Buwan 6
Kita
4400
4400
Fixed na mga Gastusin
-3300
-3300
Variable na mga Gastusin
-1000
-1000
Tubo (o Lugi)
100
100
Starting Cash
Available Cash
-
Talakayin:Tingnan ang cash flow statement ni Maria sa itaas. Ano ang ipinapakita kay Maria ng nakaraang dalawang buwang kita ng kanyang negosyo?
STEP 2: Ang Kinabukasan
Base sa mga numero mula sa nakalipas na dalawang buwan, isusulat ni Maria ang sa tingin niya ay magiging kita, fixed na gastusin, variable na gastusin, at tubo o lugi sa darating na mga panahon.
Nakaraang 2 buwan
Nakaraang buwan
Sa Buwang Ito
Sa Kasunod na Buwan
Buwan 3
Buwan 4
Buwan 5
Buwan 6
Kita
4400
4400
4400
4400
4400
4400
4400
4400
Fixed na mga Gastusin
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
Variable na mga Gastusin
-1000
-1000
-1000
-1000
-1000
-1000
-1000
-1000
Tubo (o Lugi)
100
100
100
100
100
100
100
100
Starting Cash
Available Cash
Walang plano si Maria na baguhin ang kanyang negosyo, kaya iniisip niya na ang kikitain at gagastusin niya sa susunod na anim na buwan ay pareho lamang sa nakaraang dalawang buwan.
-
Talakayin:Tingnan ang cash flow statement ni Maria sa itaas. Nagbago ba ang buwanang kita ni Maria?
STEP 3: Available Cash
Ang starting cash ay ang pera ni Maria sa bangko sa simula ng buwan. Sa kasong ito,nagsimula siya sa 50.
Nakaraang 2 buwan
Nakaraang buwan
Sa Buwang Ito
Sa Kasunod na Buwan
Buwan 3
Buwan 4
Buwan 5
Buwan 6
Kita
4400
4400
4400
4400
4400
4400
4400
4400
Fixed na mga Gastusin
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
Variable na mga Gastusin
-1000
-1000
-1000
-1000
-1000
-1000
-1000
-1000
Tubo (o Lugi)
100
100
100
100
100
100
100
100
Starting Cash
50
150
250
350
450
550
650
750
100
100
100
100
100
100
100
100
Available Cash
150
250
350
450
550
650
750
850
Bawat buwan, idinadagdag niya ang kanyang buwanang tubo sa kanyang starting cash para makuha ang kanyang available cash (50 + 100 = 150).
Ang available cash ay nagiging starting cash para sa susunod na buwan (150).
-
Talakayin:Tingnan ang cash flow statement sa itaas. Magkano ang perang magagamit ni Maria sa katapusan ng anim na buwan?
-
Basahin:Ngayong alam na ni Maria kung magkano ang pera na maaaring magamit niya sa susunod na anim na buwan, makakapagdesisyon na siya kung ano ang kanyang pipiliin sa iba-ibang mga paraan ng pagpapalago ng negosyo niya.
Magkano ang maaaring ipambayad sa loan?
-
Praktis:Ngayon ay tingnan natin kung ano ang mangyayari sa cash flow ni Maria kung siya ay hihiram ng 1500 para sa 6 na buwan para ipambili ng 15 manok. Tingnan ang cash flow statement ni Maria sa kanan. Mayroon bang sapat na cash flow si Maria para sa loan payment na 275? Kasama ang isang partner, i-tsek ang available cash ni Maria.
-
Talakayin:Kasama ang buong grupo, talakayin ang mga sumusunod na tanong: Ano ang dapat gawin ni Maria? Dapat bang subukan ni Maria na baguhin ang halaga ng ilo-loan niya? Maaari ba siyang mag-impok at bilhin nang cash ang mga manok?
Cash flow statement ni Maria
-
Dahil magkakaroon siya ng mas maraming itlog, iniisip ni Maria na sa bawat buwan, siya ay magkakaroon ng dagdag na mga 900 na kita (60 dagdag na kita kada manok at multiplikahin sa 15). 900 at idagdag ang kanyang kasalukuyang kita na 4400 ay 5300.
-
Iniisip niya na ang kanyang mga fixed na gastusin ay aabot ng 3500 (200 sa pag-arkila ng bisikleta na idinagdag sa kasalukuyang gastusin na 3300).
-
Kung maglo-loan siya, siya ay magkakaroon din ng fixed na gastusin na 275 (350 sa unang buwan).
Nakaraang 2 buwan
Nakaraang buwan
Sa Buwang Ito
Sa Kasunod na Buwan
Buwan 3
Buwan 4
Buwan 5
Buwan 6
Buwan 7
Buwan 8
Kita
4400
4400
5300
5300
5300
5300
5300
5300
5300
5300
Fixed na mga Gastusin
-3300
-3300
-3500
-3500
-3500
-3500
-3500
-3500
-3500
-3500
Bayad sa Loan
-350
-275
-275
-275
-275
-275
Variable na mga Gastusin
-1000
-1000
-1600
-1600
-1600
-1600
-1600
-1600
-1600
-1600
Tubo (o Lugi)
100
100
-150
-75
-75
-75
-75
-75
200
200
Starting Cash
50
150
250
100
25
-50
-125
-200
-275
-75
100
100
-150
-75
-75
-75
-75
-75
200
200
Available Cash
150
250
100
25
-50
-125
-200
-275
-75
125
-
Iniisip niya na ang kanyang variable na mga gastusin ay tataas sa 1600 dahil gagasta siya ng dagdag na 500 sa pakain sa manok at 100 na bayad sa pamangkin niya sa pag-deliver ng mga itlog.
-
Sa unang dalawang buwan, si Maria ay may sapat na perang pambayad sa loan.
-
Gayunman, tingnan ang huling apat na buwan ng loan (mga buwan 3–6). Magiging sapat ba ang pera ni Maria para mabayaran ang lahat ng kanyang loan?
-
Pagkatapos mabayaran ni Maria ang loan, ang tubo niya ay tataas muli. Pero huli na ba ang lahat?
-
-
Panoorin:“Kaya Ko bang Bumili ng Mas Maraming Asset? (Part II)” (Walang video? Basahin sa pahina 129.)
-
Praktis:Ngayon ay tingnan natin kung ano ang mangyayari kapag nag-loan si Maria ng mas maliit na halaga: 800 para sa 6 na buwan para makabili ng 8 manok. Tingnan ang cash flow statement ni Maria sa kanan. Sapat ba ang cash flow ni Maria para mabayaran ang loan na 800? Kasama ang isang partner, i-tsek ang available cash ni Maria.
-
Talakayin:Kasama ang buong grupo, talakayin ang mga sumusunod na tanong: Kaya bang bayaran ni Maria ang mas malaking loan? Dapat ba siyang mag-loan nang mas malaki?
-
Basahin:Sa halimbawang ito, gagamitin ni Maria ang kanyang cash flow statement para magdesisyon kung kaya ba niyang bumili ng karagdagang manok. Maaari din niyang gamitin ang cash flow statement para magdesisyon tungkol sa dagdag na mga pagbabago sa negosyo niya, tulad ng pag-arkila ng bisikleta, pagbili ng karatula, o pagbili ng ibang pagkain ng manok.
Cash flow statement ni Maria
-
Iniisip ni Maria na dahil sa 8 karagdagang manok, madaragdagan ang kita niya ng 480 (60 na dagdag na kita kada manok at multiplikahin sa 8). 480 at idagdag ang kanyang kasalukuyang kita na 4400 ay 4880.
-
Iniisip niya na ang kanyang fixed na gastusin ay hindi tataas dahil hindi siya mag-aarkila ng bisikleta.
-
Kung ang halagang iyon ang ilo-loan niya, siya ay magkakaroon ng fixed na gastusin na 150 (250 sa unang buwan)
Nakaraang 2 buwan
Nakaraang buwan
Sa Buwang Ito
Sa Kasunod na Buwan
Buwan 3
Buwan 4
Buwan 5
Buwan 6
Buwan 7
Buwan 8
Kita
4400
4400
4880
4880
4880
4880
4880
4880
4880
4880
Fixed na mga Gastusin
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
-3300
Bayad sa Loan
-250
-150
-150
-150
-150
-150
Variable na mga Gastusin
-1000
-1000
-1300
-1300
-1300
-1300
-1300
-1300
-1300
-1300
Tubo (o Lugi)
100
100
30
130
130
130
130
130
280
280
Starting Cash
50
150
250
280
410
540
670
800
930
1210
100
100
30
130
130
130
130
130
280
280
Available Cash
150
250
280
410
540
670
800
930
1210
1490
-
Iniisip niya na ang kanyang variable na mga gastusin ay tataas sa 1300 dahil gagasta siya ng dagdag na 250 sa pakain sa manok at 50 na bayad sa pamangkin niya sa pag-deliver ng mga itlog.
-
Tingnan ang kanyang available cash. Magiging sapat ba ang pera ni Maria para mabayaran ang lahat ng kanyang loan?
-
Tingnan ang mga tubo at lugi ni Maria. Makikita na ang kanyang tubo ay mas mababa nang nag-loan siya pero mas malaki noong hindi pa siya nag-loan.
-
Magkano ang pera na magagamit ko sa aking negosyo?
-
Praktis:Gumawa ngayon ng cash flow statement para sa iyong sariling negosyo. Maghanap ng partner, at sa cash flow statement na nasa kanan gawin ang sumusunod na mga hakbang. (Tingnan sa mga pahina 115–23 para matulungan ka.) May mga blankong form pa sa pahina 124. Maaari mong kopyahin ito sa iyong business notebook.
Mag-isip ng isang produktibong asset na maaari mong gamitin para sa negosyo mo. Isipin kung gaano lalaki ang kita at gastusin mo.
Kung hindi mo alam kung anong mga numero ang gagamitin o wala kang negosyo, tulungan mo ang sinuman na mayroon nito. Ito ay praktis lamang.
-
Basahin:Pagkatapos ng susunod na miting natin, tayo ay makikipag-usap sa mga lender at aalamin kung paano ang pagbabayad na gagawin natin sa loan. Maisasama na natin ngayon ang babayaran natin sa loan sa ating mga cash flow statement.
-
Talakayin:Paano nakakatulong sa pagdedesisyon mo sa iyong negosyo ang pag-alam mo sa available cash mo? Maliban sa pagbabayad ng loan, mayroon pa bang ibang paraan na makakatulong ang pag-alam mo sa iyong cash flow sa pagpapalago ng negosyo mo?
Ang iyong cash flow statement
-
Gamit ang iyong mga income statement, isulat ang iyong kita at gastusin mula sa nakaraang dalawang buwan.
-
Isulat kung ano sa tingin mo ang bagong kikitain mo sa susunod na anim na buwan (nakaraang kita at idagdag ang kita mula sa bagong asset).
-
Isulat kung ano sa tingin mo ang magiging bagong gastusin mo sa susunod na anim na buwan (nakaraang gastusin at idagdag ang gastusin para sa bagong asset).
-
Isusulat mo dito ang mga ibabayad mo sa loan, pero kung hindi mo pa ito alam, iwan mo munang blangko ang linyang ito.
Nakaraang 2 Buwan
Nakaraang buwan
Sa Buwang Ito
Sa Kasunod na Buwan
Buwan 3
Buwan 4
Buwan 5
Buwan 6
Kita
Fixed na mga Gastusin
Bayad sa Loan
Variable na mga Gastusin
Tubo (o Lugi)
Starting Cash
Available Cash
-
Kalkulahin ang iyong mga tubo at lugi sa pamamagitan ng pagbabawas ng iyong mga gastusin mula sa iyong kita.
-
Para malaman kung magkano ang iyong available cash, idagdag ang tubo mo (o ibawas ang lugi mo) sa starting cash.
-
Kapag nalaman mo na ang halaga ng bayarin mo sa loan, magagamit mo ang cash flow na ito para makita kung may sapat ka bang pera para mabayaran ang iyong loan.
-
Anim na buwang cash flow statements
Gumawa ng cash flow statement para ipakita ang kasalukuyang situwasyon ng negosyo mo. Tingnan ang mga pahina 115–23 para matulungan ka.
CASH FLOW #1: KASALUKUYANG SITUWASYON | ||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Nakaraang 2 Buwan |
Nakaraang buwan |
Sa Buwang Ito |
Sa Kasunod na Buwan |
Buwan 3 |
Buwan 4 |
Buwan 5 |
Buwan 6 | |
Kabuuang Kita | ||||||||
Fixed na mga Gastusin | ||||||||
Mga Bayad sa Loan | ||||||||
Mga Variable Payment | ||||||||
Kabuuang Tubo/Lugi | ||||||||
Starting Cash | ||||||||
Available Cash |
Kasunod nito, gumawa ng isang cash flow statement na kasama ang isang paraan para makakuha ng bagong asset.
CASH FLOW #2: BAGONG ASSET | ||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Nakaraang 2 Buwan |
Nakaraang buwan |
Sa Buwang Ito |
Sa Kasunod na Buwan |
Buwan 3 |
Buwan 4 |
Buwan 5 |
Buwan 6 | |
Kabuuang Kita | ||||||||
Fixed na mga Gastusin | ||||||||
Mga Bayad sa Loan | ||||||||
Mga Variable Payment | ||||||||
Kabuuang Tubo/Lugi | ||||||||
Starting Cash | ||||||||
Available Cash |