Pambungad
Matutulungan ba ako ng grupo na ito na makapagsimula o makapagpalago ng negosyo?
Hindi madaling magsimula o magpalago ng negosyo, pero ang self-reliance group mo ay makakatulong sa iyong gumawa ng matatalinong desisyon sa negosyo. Sa mga miting ng grupo, mangangako kang gagawin ang ilang partikular na bagay. Bibigyan ka ng grupo ng mga bagong ideya at palalakasin ang loob mo. Ang mithiin ng grupong ito ay hindi lang para tulungan ka sa iyong negosyo; tutulungan ka rin nito na mas sumunod at manampalataya sa Panginoon at tumanggap ng Kanyang ipinangakong mga pagpapala na self-reliance sa temporal at espirituwal.
Ano ang self-reliance group?
Ang self-reliance group ay iba sa karaniwang klase, lesson, at workshop sa Simbahan. Walang mga guro, lider, o trainer dito. Ang mga group member ay sama-samang natututo at nagsusuportahan at naghihikayat sa isa’t isa. Itinuturing naming responsibilidad sa bawat isa ang mga ipinangako naming gawin at nagpapayuhan kami para solusyunan ang mga problema.
Ano ang ginagawa ng mga group member?
Sa mga miting, nangangako ang mga group member na kikilos. Hindi lang kami natututo pero gumagawa din ng mga bagay na gagawin kaming self-reliant. Kami ay gumagawa ng mga pangako, tinutulungan ang isa’t isa sa pagtupad sa mga pangako, at inirereport ang aming progreso. Dahil kumikilos ang grupo bilang isang council, mahalagang dumalo sa mga miting nang regular at nasa oras. Lagi naming dinadala ang workbook na ito at ang mga booklet na My Foundation: Principles, Skills, Habits at My Path to Self-Reliance. Ang bawat miting ng grupo ay tatagal nang mga dalawang oras. Ang pagsasagawa ng aming mga pangako ay tatagal nang isa hanggang dalawang oras bawat araw.
Ano ang ginagawa ng facilitator?
Ang mga facilitator ay hindi mga eksperto sa negosyo o pagtuturo. Hindi nila pinamumunuan o tinuturuan ang grupo. Sila ay tumutulong lamang sa grupo na sundin nang eksakto ang mga materyal ayon sa nakalahad dito. Isang self-reliance specialist ay karaniwang nagpa-facilitate ng mga miting ng grupo; gayunman, ang mga group member ay maaaring italaga na mag-facilitate makalipas ang ilang linggo, kung kailangan. Para matuto pa, tingnan ang Leader Guide at mga video sa srs.lds.org.
Certificate of Completion
Ang mga group member na dadalo sa mga miting at tutupad sa kanilang mga ipinangakong gawin ay karapat-dapat na makakuha ng dalawang sertipiko mula sa LDS Business College: isang certificate in business entrepreneurship (tignan sa mga pahina 205-06 para sa mga requirement) at isang self-reliance certificate (tignan sa pahina 29 sa My Foundation).