Mga Naunang Edisyon
Pag-aralan


Pag-aralan

lightbulb-blue

Magugustuhan ko ba ang negosyong ito?

Oras:I-set ang timer nang 60 minuto para sa bahaging Pag-aralan.

Panoorin:“Mas Malaking Trak?” (Walang video? Basahin sa pahina 45.)

Basahin:Kung kaya ng dalawang lalaking ito na magdala ng 200 na melon sa isang trak, ang matematika ay magiging ganito:

Talakayin:Makakatulong ba ang mas malaking trak? Bakit oo o bakit hindi?

Basahin:MGA TANONG SA LINGGONG ITO—Paano ako makakabili ng aking produkto at makakapagpresyo nang tama?

MGA GAGAWIN SA LINGGONG ITO—Maghahanap ako ng makukuhanan ng produkto at pipili ng presyo.

Basahin:Sa miting na ito, tayo ay mag-aaral at magpa-praktis ng mga kasanayan para matulungan tayong masagot ang mga tanong at magawa ang mga gawaing ito.

Praktis:Sa linggong ito, pag-aaralan mo kung paano makipag-usap sa mga supplier para mag-“buy low,” o bumili sa mas mababang presyo. Pag-aaralan mo rin kung paano makapagpresyo para maka-“sell high”—o kumita.

business success map

Basahin natin ang section na Costs and Sales sa Business Success Map.

Paano ako kikita?

Basahin:Ang mga lalaking nagbebenta ng melon ay kailangan nang kumita sa kanilang negosyo.

May dalawang paraan para kumita.

Ibaba ang purchase price (ang presyo na ibabayad mo sa supplier)

Itaas ang sales price (ang presyo na sisingilin mo sa kustomer).

Minsan magagawa mo ito pareho: bumili sa mababang halaga at magbenta nang mataas!

icon ng business mapAng mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay bumibili sa mababang halaga at nagbebenta sa mataas na halaga.

Basahin:May limitasyon ang kontrol natin sa mga sales price o sa ating mga gastos. Mayroon tayong kaunting kontrol. Ang mga matagumpay na may-ari ng negosyo ay sinusubukang itaas ang sales price at ibaba ang purchase price.

Talakayin:Sa tingin mo ba ay kumikita ang mga negosyong binibilhan mo ng iyong pagkain, gasolina, at damit?

Basahin:Heto pa ang isang dahilan para bumili sa mababang halaga at magbenta sa mataas na halaga. Lahat ng negosyo ay may iba pang gastusin maliban pa sa puhunan sa produkto.

Isipin ang mga lalaking nagbenta ng mga melon. Kunwari ay natutuhan nilang bumili sa mababang halaga at magbenta sa mataas na halaga. Gayunpaman, may iba pa silang mga gastos, tulad ng transportasyon at pasuweldo. Tingnang muli ito.

Basahin:Sa pamamagitan ng pagbili sa mababang halaga at pagbenta sa mataas na halaga, nakayang sagutin ng mga lalaki ang mga gastos, nasuwelduhan ang mga sarili nila, at nagkaroon pa rin ng kaunting kita. Iyan ang totoong negosyo!

Talakayin:Kung ikaw ay nasa service business, ano ang mga magagawa mo para makontrol ang mga gastos at mas kumita?

Paano ko maibababa ang mga gastos?

Panoorin ninyo:“Huwag Mong Isara ang Negosyo Mo” (Parts I at II) (Walang video? Basahin sa pahina 46.)

Talakayin:Ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa lagay niya? Ilang supplier ang dapat na mayroon ka?

Paano ako MAKIKIPAG NEGOSYO sa mga supplier?

Basahin:Importante para sa atin na makipag-usap sa ating mga supplier.

Panoorin:“Pakikipag-usap sa mga Supplier” (No video? Ipagpatuloy lang ang pagbabasa.)

Basahin:Ngayong linggo, makipag-usap sa mga tao na kaya kang suplayan ng mga produkto o mga sangkap ng produkto mo. Kung ikaw ay nag-aalok ng serbisyo, makipag-usap sa mga tao na makakatulong sa iyong makapagbigay ng serbisyo. Isulat sa iyong business notebook kung ano ang natutuhan mo.

Praktis:Kasama ang isang partner, magpraktis ng mga itatanong sa mga supplier sa linggong ito. Ipaliwanag sa ka-partner mo ang klase ng supplier na kailangan mong makausap para sa negosyo mo. Magsalitan sa pagtatanungan at pagbibigayan ng mga feedback na makakatulong. Magtala sa iyong business notebook. Magtanong ng mga partikular na tanong na makakatulong sa iyo na pagbutihin ang iyong negosyo.

Talakayin:Kapag nakapagpraktis na ang lahat kahit isang beses lang, magtalakayan:

Ano ang gagawin mo kapag nakipag-usap ka sa mga supplier sa linggong ito? Mayroon ka bang mga gustong itanong sa kanila? Isulat ang iyong mga naiisip dito o sa iyong business notebook:

Paano ako magpepresyo para kumita ako?

Basahin:Bawat negosyo ay dapat kumikita nang higit sa puhunan. Alam natin kung paano makikipag-usap sa mga supplier para makahanap ng mga produktong may kalidad at mababa ang presyo, o makabili sa mababang halaga. Ngayon, paano tayo makakapagpresyo, o magbebenta nang mataas? Habang pinag-iisipan natin ang desisyong ito sa buong linggo, maaaring itanong ng bawat isa sa atin ang:

  • Ano ang pinakamagandang presyo na makukuha ko mula sa aking mga supplier?

  • Ano pa ang iba kong gastos? (Utilidad, mga supply, renta, atbp.)

  • Magkano ang kailangang ipasuweldo ko sa sarili ko at sa iba?

  • Paano ako makapagdadagdag ng halaga at gawing kakaiba ang aking produkto? Kaginhawahan, serbisyo, pagiging palakaibigan, at kalidad ay makadadagdag ng halaga at makakapagpaiba sa akin.

  • Magkano ang sinisingil ng mga kakompitensya? Maaari ba akong maningil nang mas malaki base sa dagdag na serbisyo at kalidad?

  • Kasama na ang mga aspetong ito, gaano kalaking kita ang makukuha ko para magawa kong palaguin at pagtagumpayin ang negosyo ko? Mas marami ay mas mabuti!

Praktis:Kasama ang isang partner, basahin ang mga sumusunod at talakayin kung magkano ang handang ibayad ng mga kustomer ni Grace para sa tinda niyang tubig.

Bumibili si Grace ng tubig sa halagang:

5 kada bote

Ang kanyang suweldo, transportasyon, at gastos sa delivery:

2 kada bote

Ang mga kakompetensya niya ay nagbebenta sa mga kustomer ng:

8–10 kada bote

Kailangan niyang kumita nang malaki kung posible:

? kada bote

Sabihin sa grupo ang sa palagay mo ay dapat ipresyo ni Grace sa tinda niyang tubig at kung bakit.

Talakayin:Paano matutuklasan ni Grace kung anong presyo ang handang ibayad ng mga kustomer niya?

Paano mo makokontrol ang mga gastos, madaragdagan ang kalidad at serbisyo, at mapepresyuhan nang tama para kumita ang iyong negosyo?