Para sa mga Facilitator
Sa araw ng miting:
-
I-text o tawagan ang lahat ng group member. Anyayahan silang dumating nang mas maaga ng 10 minuto para ireport ang mga ipinangako nila.
-
Ihanda ang mga materyal na gagamitin sa miting.
30 minuto bago magmiting:
-
Ayusin ang mga silya paikot sa mesa para magkakalapit lahat.
-
Isulat ang commitment chart sa board kasama ang mga pangalan ng mga tao sa grupo mo (tingnan ang halimbawa sa ibaba).
Pangalan ng group member
Nagsulat ng plano para gawing mas produktibo ang mga kasalukuyang asset (Oo/Hindi)
Tinukoy ang mga pinakaimportante at bagong mga asset (Oo/Hindi)
Dinala ang aking income statements (Oo/Hindi)
Nakamit ang weekly business goal (Oo/Hindi)
Nagawa ang alituntunin sa Foundation at itinuro ito sa pamilya (Oo/Hindi)
Nakapagdagdag sa impok na pera (Oo/Hindi)
Nagreport sa action partner (Oo/Hindi)
Gloria
O
O
O
O
O
O
O
10 minuto bago magmiting:
-
Masayang batiin ang mga tao sa kanilang pagdating.
-
Sa pagdating ng mga group member, ipakumpleto sa kanila ang commitment chart sa board. Ipaalala din sa kanila na pumunta sa pahina 205 at i-update ang kanilang pag-unlad patungo sa sertipikasyon.
-
Mag-assign ng timekeeper.
Sa pagsisimula:
-
Ipa-turn off sa kanila ang kanilang mga phone at iba pang mga device.
-
Magsimula sa panalangin (at himno, kung nais).
-
Tahimik na sabihin sa mga nahuling dumating na i-turn off ang kanilang mga phone at kumpletuhin ang commitment chart habang ipinapagpatuloy ng grupo ang talakayan.
-
I-set ang timer nang 20 minuto para sa My Foundation.
-
Kumpletuhin ang principle 8 sa My Foundation. Pagkatapos ay balikan ang workbook na ito at ituloy ang pagbabasa sa susunod na pahina.